Coco, Julia aamin na raw sa tunay na relasyon ngayong wala na si Yassi sa 'Probinsyano' | Bandera

Coco, Julia aamin na raw sa tunay na relasyon ngayong wala na si Yassi sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan |February 10,2021
facebook
share this

Coco, Julia aamin na raw sa tunay na relasyon ngayong wala na si Yassi sa ‘Probinsyano’

Reggee Bonoan - February 10, 2021 - 05:18 PM

DAHIL sa viral photos nina Coco Martin at Julia Montes na pareho ang background ay marami ang nagkomento na nagsasama na sila sa iisang bahay.

Ayon sa comments ng netizens, ang magandang hardin ng aktor umano ang ginamit nang magpakuha ang aktres ng larawan para sa produktong ineendorso niya.

Bukod dito ay kumalat na rin ang tsikang aamin na sina Coco at Julia sa matagal na nilang relasyon isa sa mga araw na ito.

Ito rin ang sabi ng aming source, “Abangan mo, inuunti-unti na, eh. Mga naglalabasang pictures nila sa social media. Wala nang sagabal kasi nu’ng nandoon pa si Y (tawag kay Yassi Pressman) sa Probinsyano, siyempre sa kanila ni Cardo nakatutok ang kuwento, tapos aamining sila ni Juls. Mahahati ang reaksyon ng tao,” sabi sa amin.

Maging kami ay naguguluhan na rin kung ano ang real score kina Coco at Julia lalo’t ilang beses nang nahuhuli ng netizens ang mga larawan ng dalawa na magkapareho ang background, isama pa ‘yung nakitaan ng feeding bottle sa kusina ng aktor na in-assume ng marami na sa baby daw ng aktres.

Kung totoo ang balitang may anak na ang dalawa ay nasa three years old na ito kung tama ang bilang namin mula nang matsismis na nagdadalang-tao ang aktres.

Going back sa umano’y magkaparehong garden na ginamit nina Coco at Julia sa kanilang IG post, baka naman nakigamit lang ang aktres para sa pictorial promo? Magkalapit kasi ang bahay ng dalawa sa isang subdivision.

May mga nagtatanong din kung kailan babalik sa showbiz si Julia dahil nami-miss na siya ng kanyang mga loyal supporters.

Ang pagkakaalam namin ay malabo pa sa ngayon dahil sa pandemic bukod dito ay abala si Julia sa kanyang online school sa kursong Marketing Management sa isang international school dahil plano nitong magtayo ng negosyo.

Kung tama rin ang bilang namin ay nasa 3rd year na si Julia at isang taon na lang ay magtatapos na siya.

Anyway, suportado ni Julia si Coco sa lahat ng project nito tulad ng upcoming movie nitong “Love or Money” kasama si Angelica Panganiban na idinirek ni Mae Cruz-Alviar mula sa Star Cinema.

Samantala, nanonood na kaya si Julia ng “FPJ’s Ang Probinsyano?” Balitang si Jane de Leon na raw masi ang bagong leading lady ni Cardo Dalisay.

* * *

Umiinit na ang tensyon sa pagitan nina Cardo (Coco Martin) at Lito (Richard Gutierrez) ngayong umiigting na ang pagdududa niya sa totoong pagkatao ni Lito sa tumitinding mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Harap-harapan na ngang kakalabanin ni Cardo si Lito dahil sa lumalaking hinala niyang trinaydor nito ang buong Task Force Agila kaya nalagay sa panganib ang kanilang buhay at nasawi si Alyana (Yassi).

Habang ipinaalam na ni Cardo na hindi na siya magtatrabaho para kay Lito, lalo pang kukulo ang dugo niya dahil unti-unti na rin niyang nadidiskubre ang sikretong nakaraan nito at ni Alyana.

Ngayong pinaplano na ng Task Force Agila ang susunod nilang hakbang, inutusan na ni Lily (Lorna Tolentino) ang grupong Black Ops na dalhin sa kanya ang bangkay ni Cardo upang masiguro na patay na talaga ito.

Bukod sa Black Ops, panibagong mga kaaway din ang makakabanggaan ni Cardo sa mga bagong karakter nina Bubbles Paraiso, Franco Daza, Drey Brown, Zeppi Borromeo, at Jamina Cruz sa kanilang pagsanib-pwersa sa grupo ni Lito upang pabagsakin na si Cardo.

Matuklasan na kaya ni Cardo ang lahat ng mga sikreto ni Lito? Paano haharapin ni Cardo ang mga grupong tumutugis sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending