Telcos wala nang dahilan ngayon para hindi mapabuti ang serbisyo--Bong Go | Bandera

Telcos wala nang dahilan ngayon para hindi mapabuti ang serbisyo–Bong Go

- February 09, 2021 - 07:23 AM

Wala nang dahilan para hindi mapabuti ng mga telecommunication companies ang kanilang serbisyo sa Pilipinas, ayon  kay Senator Christopher “Bong” Go.

Sinabi ni Go na may mga kumprehensibong batas na at patakaran na ipinatutupad ang pamahalaan para mapabilis ang pagproseso ng mga negosyo sa bansa.

Ito ay bilang tugon sa reklamo ng mga telcos kaugnay sa matagal na pagproseso ng permits, aniya.

Ayon kay Go  iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ay dapat matapos ang permit processing ng mga telco na kinakailangan nila sa kanilang upgrade.

“Meron na pong report na talagang ginagawa na po ng paraan ng ating gobyerno na mapabilis ang serbisyo ng telco, kasi ang dahilan ng telco noon matagal ang processing ng permits. So, nagbigay na ng instruction ang Pangulo na bilisan. In two to three weeks po, dapat tapos na ang permit,” sinabi ni Go nang siya ay bumisita sa Legazpi City, Albay noong Biyernes.

Sinabi ni Go na maaring masibak sa pwesto ang sinumang magiging dahilan ng pagbagal ng proseso.

“Ngayon wala nang dahilan dahil may batas na po ngayon na kapag tumagal ang pagproseso ng permit, pwedeng tanggalin ‘yung mismong nagpapabagal. Pwedeng kasuhan at tanggalin sa trabaho,” wika niya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11517 na nilagdaan ni  Duterte, binibigyang kapangyarihan ang presidente ng bansa na mas pabilisin ang pag-iisyu ng national at local permits, licenses, at certifications kapag mayroong national emergency.

Ito ay upang mapadali ang proseso para sa mga business owner at ordinary citizens na nag-aaplay ng government documents, gaya ng licenses, permits at certifications.

Noong Agosto, binilinan din ng Pangulo ang mga local government unit na tapusin ang pagproseso sa aplikasyon para sa permit ng telecommunications companies sa loob lang ng tatlong araw.

Noong Mayo 2018, nilagdaan naman ni Duterte ang RA No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Inaamyendahan ng nasabing batas ang Anti-Red Tape Act of 2007, at layong pabilisin ang proseso para makapagsimula at makapagpatakbo ng negosyo sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing batas, may standardized deadline para sa government transactions, single unified business application form, iniaatas ang pagtatayo ng business one-stop shops, at dapat ding magakroon na ng zero-contact policy para maiwasan ang korapsyon.

Inaatasan dina ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtayo ng central business portal kung saan doon tatanggapin ang lahat ng business applications, at magkaroon ng Philippine Business Databank na magsisilbing repository of information sa lahat ng negosyo sa bansa.

Noong January 28, 2021, inilunsad na ng DICT sa pamumuno ni Secretary Gregorio B. Honasan II ang Central Business Portal na layong magkaroon ng single online portal sa lahat ng business-related transactions sa gobyerno, kabilang ang mga aplikasyon para sa business permits, clearances, at licenses.

Gamit ang CBP Phase 1 mayroon nang unified application form at user dashboard para makapagparehistro sa Securities and Exchange Commission at sa Bureau of Internal Revenue online.

Mayroon na ding BIR ePayment system para sa registration fees at registration ng employer numbers para sa social security agencies gaya ng Social Security System, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Nagpalabas din ang DICT ng Joint Memorandum Circular na layong pagaanin ang requirements at bawasan ang procedural delays sa pagkuha ng permits, licenses, clearances, certificates, at iba pang other requirements sa pagtatayo ng common towers.

Sinabi ni Go na sa pagsisimula ng operasyon ng third telco player na Dito Telecommunity inaasahang mas bubuti pa ang business competition at maisasaayos ang internet services ng mga telco.

“Ngayon, meron pa tayong pangatlong telco player. So, dapat po, mas meron nang competition, mas pag-igihan pa nila ang serbisyo,” ayon kay Go.

Noong July 2020, inihain ni Go ang panukalang batas na layong i-shift ang lahat ng government transactions sa e-governance para makasabay sa digital age lalo ngayong may Covid-19 pandemic.

Ang Senate Bill No. 1738, o ang E-Governance Act of 2020, ang gobyerno ay dapat magkaroon ng integrated, interconnected, at interoperable information at resource-sharing at communications network.

Ito ay mula sa national hanggang sa local government.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makatutulong din ang panukalang batas ayon kay Go para mabawasan ang red tape at korapsyon.

“Having a transparent, efficient and responsive delivery of government services is key to reducing corruption and empowering the people to exact accountability from public servants,” ayon pa kay Go.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending