Liza nag-sorry sa naging reaksyon sa ‘Tililing’ poster; nagpasalamat kay Baron
NAG-SORRY si Liza Soberano sa lahat ng mga na-offend o naapektuhan sa naging reaksyon niya sa poster ng pelikulang “Tililing” ng Viva Films.
Wala raw siyang masamang intensyon sa ginawa niyang pagpuna sa nasabing movie poster at ang paniwala niya ay na-misinterpret lang ng mga netizens ang kanyang Twitter post.
Kasabay nito, nagpasalamat naman ang dalaga sa magaling na aktor na si Baron Geisler dahil sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga bashers.
Isa si Baron sa mga bida sa “Tililing” kasama sina Gina Pareño, Candy Pangilinan at Chad Kinis na idinirek ni Darryl Yap.
Nag-react kasi si Liza sa poster ng “Tililing” kung saan makikita ang mukha ng mga bida sa movie na kanya-kanyang “wacky post” na aakalain mong may tililing o problema sa pag-iisip.
Ni-repost ito ng Kapamilya actress sa kanyang Twitter account na may mensaheng, “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”
May mga kumampi sa ipinaglalaban ng dalaga pero marami rin ang umalma at karamihan sa mga ito ay nagsabing huwag daw munang husgahan ang pelikula sa pamamagitan lang ng poster.
Sinagot din ng direktor ng “Tililing” ang pahayag ni Liza sa pamamagitan ng VinCentiments Facebook page na co-producer ng pelikula. Sabi ni Direk Darryl, “Sa iyo Miss Liza Soberano, ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang, hindi ka namin bibiguin.”
“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula. Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya,” dagdag pa niya.
Sa post na ito ng direktor nagkomento si Baron, aniya, “Please don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies.
“She did not mean to look down on the poster. I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma-bash naranasan natin lahat Yan one way or another,” pagtatanggol ng aktor sa dalaga.
Nang makarating na kay Liza ang sinabi ni Baron, muli siyang nag-post ng message sa Twitter at pinasalamatan ang aktor kasabay ng paghingi ng paumanhin sa naging reaksyon niya sa movie poster.
Sabi ni Liza, “Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted.
“I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it,” pahayag pa ng girlfriend ni Enrique Gil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.