Vin Abrenica, Sophie Albert magsasama na isang bahay; magiging mommy at daddy na rin ba? | Bandera

Vin Abrenica, Sophie Albert magsasama na isang bahay; magiging mommy at daddy na rin ba?

Ervin Santiago - February 09, 2021 - 09:19 AM

ABANGERS ngayon ang mga kaibigan sa showbiz at supporters ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert kung ano ang susunod nilang pasabog na announcement.

Ito’y matapos ngang ibandera ng magdyowa na magsasama na sila sa iisang bahay makalipas ang walong taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Sophie ang litrato nila ni Vin habang nasa loob ng kanilang bagong bahay na tila nag-aayos pa rin ng mga kagamitan.

“Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!!” simulang pagbabalita ni Sophie sa caption ng kanyang IG post.

Aniya pa, “It’s moving a lot slower than we expected, but we’re hopeful that our home is coming together veeeeery slowly, but surely! Konti nalang! Kapit lang!”

Nag-post din si Vin sa IG ng photo nila Sophie na kuha sa kanilag love nest kasabay ng pag-amin na napakarami nilang realizations sa buhay habang ipinagagawa nila ang bahay.

“If you saw @itssophiealbert’s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na. So eto nalang, to vlog or not to vlog?

“Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay! Yahoo!” sabi pa ng kapatid ni Aljur Abrenica.

Sunud-sunod naman ang pagbati kina Vin at Sophie mula sa mga friends nila sa showbiz, kabilang na sina Kris Bernal, Carla Abellana, Mark Herras, Nicole Donesa, EA Guzman, Shaira Diaz at marami pang iba.

Samantala, marami naman ang nagsabi na baka raw ang susunod na ibalita ng dalawa ay ang pagdadalang-tao umano ni Sophie.

May mga chika kasi na buntis na raw ang aktres sa first baby nila ni Vin pero hanggang ngayon nga ay wala pa itong kumpirmasyon mula sa magdyowa.

Kung matatandaan, naghiwalay sina Vin at Sophie noong 2016 dahil sa  “personal and career-related problems” ngunit nagkabalikan din  taong 2019.

“That time, we’re having our personal problems, including careers. ‘Yong mga nasasabi sa akin ng mga tao na if you’re in a relationship, hindi ka raw kakagatin ng fans, ‘di ka na raw magiging available.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ako, hindi ko alam na all throughout, they’re gonna love you for who you are? Tatanggapin ka nila kung sino ka. Tapos, I realized na I can’t live without her,” paliwanag ni Vin sa isang panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending