Regine inalala ang first date nila ni Ogie: Pinatayan ko siya ng ipis sa harap niya, sabi ko 'na-turn off ka ba?' | Bandera

Regine inalala ang first date nila ni Ogie: Pinatayan ko siya ng ipis sa harap niya, sabi ko ‘na-turn off ka ba?’

Ervin Santiago - February 09, 2021 - 09:10 AM

“KAMI ng asawa ko never kaming nag-away but we discuss, we talk about it.”

Isa yan sa mga aral na natutunan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid pagdating sa usapin ng pag-ibig.

Nag-share ang OPM icon sa madlang pipol ng mga life lesson na nagmarka sa kanyang puso at isipan mula noong magsama sila ni Ogie Alcasid bilang mag-asawa.

Sey ng Songbird, mas okay kung maging magkaibigan muna kayo ng iyong dyowa, “Kapag friend mo, mas nakikilala mo. Ako kasi very conservative talaga ang thinking ko.

“Gusto ko ‘yung taong mamahalin ko ay mamahalin ko unti-unti, alam mo yon? Kasi naging kaibigan mo muna, naniniwala ako roon sa unti-unti mo siyang minamahal, ‘yung hanggang ngayon minamahal mo ng konti-konti, hanggang sa ang laki-laki na ng pagmamahal mo, parang ganoon, parang na-develop ba,” pahayag ni Regine sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

“Ogie and I have known each other for a long time. When I was 18 and he was probably 21 mga ganyan we dated. Pinatayan ko siya ng ipis sa harap niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Na-turn off ka ba?’ Sabi niya ‘Hindi.’ Pero naisip ko ang bata pa niya. He stopped and I didn’t see him for a long time but we’ve always been friends,” aniya pa.

Isa pa sa mga natutunan niya pagdating sa usaping love ay ang sabay na mag-grow, “We definitely grow together because it’s important. When you get married you become one, that means you grow old together. Wala ng you and me, but we do have our me time.”

Naniniwala rin si Regine na ang pagmamahalal ay “commitment” at “choice”, “When you are in a relationship, when you are married, it’s a daily thing.

“It’s everyday that you choose, you remind yourself that I’m choosing this person to love, because we’re not perfect. Kami ng asawa ko never kaming nag-away but we discuss, we talk about it.

“Si Nate never pa niya kaming nakita na nagsigawan. The reason I say it’s a daily thing na you constantly remind yourself na I’m choosing to love him is because you are accepting that he’s not perfect so are you, ‘di ka rin perfect.

“So he’s accepting to love me. Kapag nasa relationship ka for me everyday dapat lagi mong iniisip na I choose love over whatever problem,” lahad pa ng nag-iisang Songbird.

At ang pinakamahalaga sa lahat ayon kay Regine ay ang gawing sentro ng relasyon ang pananampalataya sa Diyos.

“Bilang haligi ng tahanan, kailangan lalaki ang nagi-initiate noon and I’m so happy that he really takes it seriously. He would always remind me nagdasal ka ba.

“It’s always with prayers and it’s wonderful. Kung hindi pa niyo nata-try, try niyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ba ang prayer is form of meditation after nu’n nakakagaan ng loob at mag-iiba rin ang tingin mo sa asawa mo kasi nakikita mo how godly he is, alam mo na wala siyang gagawin that will hurt you,” pahayag pa ni Regine na handang-handa na para sa kanyang virtual Valentine concert na “Freedom” na mapapanood sa KTX.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending