Kiray nilait ng bashers dahil sa suot na scarf na nagkakahalaga ng P16k | Bandera

Kiray nilait ng bashers dahil sa suot na scarf na nagkakahalaga ng P16k

Alex Brosas |February 08,2021
facebook
share this

Kiray nilait ng bashers dahil sa suot na scarf na nagkakahalaga ng P16k

Alex Brosas - February 08, 2021 - 05:39 PM

SLIGHTLY ay nalait si Kiray Celis nang mag-post siya ng isang photo kung saan nakabalatay sa katawan niya ang mamahaling scarf from Gucci.

Sa post ni Kiray, sinabi niyang nagkakahalaga ng P16,000 ang naturang scarf.

“My 16k gucci scarf from @luxonlinephofficial! Huhuhu di ko na talaga matutubos mga pamangkin ko. HAHAHAHAHAHA! I love you ate @anna_magkawas! Salamat ate,” caption ni Kiray sa kanyang Instagram photo.

Siyempre pa, nag-comment ang netizens. Sari-sari ang kanilang komento, may nanglait sa komedyante, merong naaliw at meron ding nagandahan sa kanyang mamahaling scarf.

“Nagmukang 600 nung sinuot mo,” say ng isang basher.

“Hahaha bakit parang mas mahaba pa yung scarf sayo lol,” say ng isa pang basher.

“Hilig mo sa libre, tinalo mo pa si lovee, mayabang sa set, pabida lang may pa-free food lagi! Charity,” mataray na komento ng isa pang basher.

“Kinakabahan ako sayo @kiraycelis baka susunod na mababasa ko nasangla muna nanay at tatay mo hahahaha,” say ng isang fan.

“Wow bongga naman po nyan @kiraycelis,” said another fan.

* * *

Isang pasabog na balita na inilabas ni Diana (Glydel Mercado) sa “Bagong Umaga” na hindi lang dalawang sanggol ang kanyang pinagpalit sa ospital, kundi apat.

Dahil ibinunyag na ni Diana ang matagal nang tinatagong kasalanan sa kanyang nakaraan, pakiramdam nito gagaan na ang kanyang kalooban. Ngunit gulo naman ang idinudulot nito sa mga apektado.

Kung noong una mga buhay nina Cai (Barbie Imperial) at Tisay (Heaven Peralejo) ang halos nasira nang malaman nila na silay’ pinagpalit, ngayon, pati mundo nina Ely (Tony Labrusca) at Dodong (Yves Flores) ang babaliktad.

Nanunumbalik naman ang galit ni Matthew (Richard Quan) kay Ely at gumugulo naman ang isip ni Dodong dahi sa balita. Mag-aaway ang mag-aama at natunghayan ito ni Dodong.

Samantala, makakahinga na sana nang maluwag si Jose (Keempee de Leon) sa balita ni Ian (Cris Villanueva) na mayroon nang donor ng kidney sa kanyang asawang ni Monica (Nikki Valdez). Ngunit agad na madidismaya ito nang malamang si Ian mismo ang nag-alok ng kanyang sarili para tumulong sa pag-aakalang ginagamit ng doctor ang sitwasyon para pumasok sa buhay ni Tisay.

May pag-asa pa kayang matanggap ni Dodong ang pamilya ni Ely? Samantala, tuluyan na bang mawalan ng tsansang mapalapit si Ian sa tunay na anak?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending