Price control vs buwayaheros sa NCR, simula na | Bandera

Price control vs buwayaheros sa NCR, simula na

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
February 08, 2021 - 05:13 PM

Simula ngayong Lunes dito sa Metro Manila, mahigpit na ipatutupad ang Executive order 124 ni Pangulong Duterte na isalalim sa “price control” sa loob ng 60 araw ang bentahan ng baboy at manok. Ito raw ay para labanan ang nangyayaring “illegal price manipulation” ng ilang cartel, hoarders at profiteers .

Ayon sa direktiba , itinakda ang presyong P270/kilo sa pork kasim, P300/kilo sa pork liempo at P160/kilo sa “whole dressed chicken”.

At sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasanib at malawakan ang implementasyon nito sa “palengke level” sa pangunguna ng mga “local market masters”, city mayors, MMDA, DILG, Department of Trade and Industry at Department of Agriculture. Mahigpit na kakanselahin, sususpindihin ang mga mayor’s permit ng mga lalabag at kakasuhan din sila ng paglabag sa Republic Act 7581 na ang parusa ay multang P5,000 hanggang P2 million at kulong na lima hanggang labinlimang taon

Sa ngayon, malayong-malayo kasi ang murang “farm gate prices” ng baboy-P107/kilo at manok-P77/kilo kumapara sa bentahan sa mga palengke. Ayon sa mga pag-aaral, ang farm gate na baboy ay pwedeng patungan ng P150 bawat kilo kasama na ang pagkatay, paglilinis at pagbiyahe at pati “tubo” ng mga manininda sa palengke. Ibig sabihin, P257/kilo lamang ang dapat na bentahan.

Sa manok naman, ang pinapatong ay P50/kilo kasama na ang pagkatay, paglilinis at pagbiyahe sa palengke at pati tubo ng mga manininda. Kaya , dapat ay P127/kilo lamang ang dapat na bentahan.

Pero, iba sa palengke. Ang baboy ay binebenta ng mula P380 hanggang P400/kilo ang na ang ibig sabihin, higit P200 ang “patong” ng mga biyahero mula farm gate. Ganoon din sa manok na ang bentahan ay pumapalo ng P180/kilo at minsan ay lampas pa ng 200/kilo na ang “patong” sa farm gate ay higit P100.

Sa madaling salita, sobra sobra ang “tongpats” ng mga “buwayahero” na naging “untouchable” sa nakaraang mga panahon, dahil walang pinag-isang kampanya ang national government at mga LGU’s sa price control.

Kaya ngayon, magkakaalaman na kung sino ang mananaig dito sa Metro Manila, price control ng gobyerno o price manipulation ng mga “buwayahero”?

Ang sabi ng ilang sektor, malulugi lang daw ang mga manininda dahil masyadong mababa ang itinakdang price control ng gobyerno. Marami daw biyahero ang hindi na magdadala ng baboy at manok sa Metro Manila kundi sa paligid na lalawigan na lang. Ang dapat daw kasing presyo ay “P350-P400 kilo “ na umiiral na presyo nitong nakaraang linggo. Maraming mga may pwesto sa palengke ang hindi muna sila magtitinda dahil mataas daw ang bigay ng mga biyahero na ang presyo ay nasa P300 bawat kilo sa baboy.

Sa kabilang panig, ang mga consumer groups naman ay nanawagan na mag-“pork holiday” na lang ang mga taga-Metro Manila para hindi tamaan ng sobrang mahal na presyo sa mga palengke.

Pero ngayon, ang babantayan natin ay kung sinong panig ang unang susuko sa digmaang ito. Una, boboykotin ba ng mga biyahero ang suplay ng baboy at manok sa Metro Manila para manatiling mataas ang presyo? Ikalawa, babaguhin ba ng gobyerno ang itinakdang P270-300/kilo sa baboy at P157/kilo sa manok sa susunod na 60 araw at uupakan nila ng husto ang mga lalabag na biyahero at manininda?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang malaking kaibahan lamang ngayon, lahat ng “public markets” sa 17 lungsod at bayan sa Metro Manila ay tututukan na ng mga alkalde at ng kanilang mga “market masters”. Sinumang manininda, maging retailer, peddler, wholeseller o biyahero ay kailangang sumunod sa presyo. Ang tatanggi at lalabag ay mawawalan ng “business permit” bukod pa sa multa at kulong.

Abangan natin ang susunod na kabanata!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending