LOOK: Angelica at bagong boyfriend nagliwaliw sa Subic Bay
“Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest.”
Eto ang masayang sabi ng aktres na si Angelica Panganiban sa larawang ipinost niya nitong Biyernes sa Instagram kasama ang bagong boyfriend na si Gregg Homan.
Kapwa nakangiti ang dalawa kasama ang kanilang pet dog sa larawang kuha sa Subic Bay.
Sa ngayon, mahigit 240,000 na ang likes ng kanilang sweet photo.
Ipinakilala lamang ni Angelica sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend noong Bagong Taon, nang i-post niya ang kanilang larawan na may caption: “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.