'PBB Otso' big winner Yamyam nakabili na ng sariling lupa at sasakyan, may bakeshop pa | Bandera

‘PBB Otso’ big winner Yamyam nakabili na ng sariling lupa at sasakyan, may bakeshop pa

Ervin Santiago - February 02, 2021 - 04:07 PM

NAKABILI na ng sariling lupa at sasakyan ang Kapamilya comedian at “Pinoy Big Brother Otso” Big Winner na si Yamyam Gucong.

Nang dahil sa kanyang kasipagan, pagsisikap at pagtitiyaga nakapagpundar na rin ng sariling kabuhayan ang binata para sa kanyang pamilya na nasa probinsya.

Bukod nga sa ilang ari-arian na nabili niya, nakapagpatayo na rin sila ng sariling negosyo na pinagkukunan nila ngayon ng panggastos sa araw-araw.

“Isa po noon ay nakabili ako ng lupa. Amin na ‘yung sinasakahan namin dati. Tapos bumili rin po ako ng sasakyan para may nagagamit po ang aming pamilya,” pahayag ni Yamayam nang mag-guest siya kahapon sa “Magandang Buhay.”

“Tapos po may bakeshop na rin po kami. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business,” chika ng comedian.

Ang mga kapatid daw niya ang nagpapatakbo sa nasabing negosyo para siguradong maaalagaan. Naniniwala siya na mapapalago ito ng kanilang pamilya basta magsipag lang.

Isa sa mga matinding sakripisyo ng binata ay ang mapalayo sa pamilya kapag nagtatrabaho siya pero kinakaya raw niya ang lahat para matupad pa niya ang iba pang pangarap sa buhay.

Hiningan din si Yamyam ng mensahe para sa mga taong tulad niya na napapawalay sa mga mahal sa buhay dahil sa pagtatrabaho, “Ang advice ko lang is always pray talaga sa Panginoon natin. I-relate ko lang sa nangyari sa akin.

“Sobra akong na-stress na mapalayo sa kanila, so isipin mo na lang kung gaano kahirap ang buhay mo dati at ano ang inspirasyon mo sa buhay para maibigay at ma-provide mo sa mga mahal sa buhay. Manalangin ka lang at ibibigay ‘yan ng Diyos,” paliwanag niya.

Noong nakaraang birthday niya last month, idinaan ni Yamyam sa kanyang Instagram account ang papara sa kanyang pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

“Isang panibagong yugto na naman ng aking buhay, maraming salamat sa pamilyang palaging nandiyan para suportahan ako sa lahat ng bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And most of all, nagpapasalamat ako to our Heavenly Father na siyang nagbibigay lakas sa bawat tao upang malagpasan ang kinakaharap na dagok sa buhay.

“Sa lahat ng naniniwala sa ‘kin at sa lahat ng nagmamahal na fan club … or sa mga silent supporters ko maraming salamat sa inyong lahat dahil naging parte kayo sa bawat taon ko,” ang caption ni Gucong sa kanyang IG post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending