Rachel kay VP Leni: Pag may movie tungkol sa buhay n'yo, may idea na kayo sino'ng pwedeng mag-portray | Bandera

Rachel kay VP Leni: Pag may movie tungkol sa buhay n’yo, may idea na kayo sino’ng pwedeng mag-portray

Ervin Santiago - February 02, 2021 - 02:18 PM

MUKHANG game ang singer-actress na si Rachel Alejandro na gumanap bilang si Vice President Leni Robredo kung sakaling gawing pelikula o dokumentaryo sa telebisyon ang buhay nito.

Naging hot topic sa social media kahapon ang litrato ni Rachel matapos itong i-repost ng isang netizen na inakala niyang si VP Leni dahil sa malaking pagkakahawig ng kanilang itsura.

Isang nagngangalang Mark Raven Dominguez ang nag-post ng photo ng OPM artist na kuha sa El Nido, Palawan na may caption na, “Nasaan ang bise presidente? Busy naman pala sa Palawan.

Ughhhh.”

Ni-repost ito ng Bise Presidente sa kanyang Facebook page at nilinaw sa madlang pipol hindi siya ang nasa litrato at lalong wala siya sa Palawan.

“Was initially confused why a number of people are sending me this,” ang sabi ni VP Leni sa nag-viral na FB post.

Aniya pa, “Kalma lang po. Hindi ako yan. Andito po ako sa opisina, wala sa Palawan. Ako na po ang humihingi ng paumanhin kay Rachel Alejandro.”

Nagkomento naman si Rachel sa post ni VP Leni at sinabing kahit daw siya ay maraming natatanggap na mensahe sa social media na nagsasabing kamukha raw niya ang Pangalawang Pangulo.

“VP Leni, ako din po, I got so many comments that I look like you when I posted that photo on IG,” pahayag ni Rachel.

“Napa-smile na lang ako. Basta pag may movie tungkol sa buhay niyo, may idea na kayo sino ang puwedeng mag-portray,” dagdag pa ng singer.

Nagpasalamat din siya kay VP Leni sa lahat ng ginagawa nito para sa Pilipinas, “I don’t believe we’ve properly met but let me use this opportunity to thank you for all that you do.”

Ito naman ang naging pahayag ni VP Leni sa naging reaksyon ni Rachel sa nasabing viral post, “Nakakahiya sayo, Rachel. Thank you for being very gracious about it.

“Pasensiya na, nadamay ka. But I am so flattered to be compared to you,” dagdag pa niya.

Samantala, nagsalita na rin ang netizen na nasa likod ng viral photo ni Rachel at nagpakilala ngang si Mark Raven Dominguez na isa palang nurse.

Aniya sa report ng ABS-CBN, “I just want to say that’s a pure sarcasm joke. I just want to chill from our toxic political insights.

“I know that’s Miss Rachel Alejandro first-hand because that was clearly her Instagram feed,” paglilinaw niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And I just want to make clear things that I am not a DDS or Dilawan or such. I don’t have any political colors, I know what is just and right,” diin pa niya sa nasabing panayam.

Dagdag pa niya, “Sorry if I offended them.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending