Branded bag ni Vicki Belo na nagkakahalaga raw ng P2-M ninakaw | Bandera

Branded bag ni Vicki Belo na nagkakahalaga raw ng P2-M ninakaw

Ervin Santiago |January 31,2021
facebook
share this

Branded bag ni Vicki Belo na nagkakahalaga raw ng P2-M ninakaw

Ervin Santiago - January 31, 2021 - 10:32 AM

INIYAKAN ni Dra. Vicki Belo nang manakaw ang isa sa mga favorite niyang branded bag.

Mahigit 20 years nang nangongolekta ng Hermès bags ang asawa ni Hayden Kho — meron na siya ngayong 30 Birkin at Kelly bags sa kanyang bag collection.

Sa latest vlog ni Vicki sa YouTube, ibinahagi niya sa madlang pipol ang laman ng kanyang bonggang walk-in closet na matagal nang nire-request ng netizens.

Dito ipinakita niya ang bagong ayos na walk-in closet kasama ang fashion stylist at designer na si Bang Pineda kung saan nga nakalagay ang paborito niyang mga damit at mamahaling bag.

Sa isang bahagi ng video, naikuwento niya na nawala ang paborito niyang Hermis Berkin na kulay itim at hindi na raw niya nalaman kung sino ang nakakuha nito na aniya’y maituturing na “very special edition”.

“Actually, yung pinaka-favorite ko nawala, ninakaw. I don’t know who got it. But it was black on black, it was a very special edition.

“It didn’t even have an orange box. It had a black box. It was matte,” kuwento ni Vicki.

“Pati ito black. Everything was black. It was one of a kind collector’s edition,” dagdag pa niya habang dine-describe ang zipper, lock, chain, at buckle ng nanakaw ng bag.

Aniya pa, kamakailan lamang niya nalaman na nawawala ang nasabing bag, “When I opened the box a few months ago, that black bag was gone.

“Yung box nandu’n pero du’n sa loob ng box is a white bag, which wasn’t the right bag. Yeah, I cried,” pahayag pa ng misis ni Hayden.

Kung pagbabasihan ang description ni Vicki, ang tinutukoy daw nito ayon sa ilang netizens ay isang Birkin So Black na ni-launch noong 2010. Base sa nabasa naming report, nagkakahalaga umano ito ng P2 million sa isang Paris-based online shop.

* * *

Ibang klaseng kilig ang hatid ng Lolong lead stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa trending GMA Public Affairs fantasy-romance series na “The Lost Recipe” na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Sa kanilang guest appearance sa GMA News TV primetime series, gumaganap sina Ruru at Shaira bilang Jordan at Julienne–isang couple na naghahanap ng caterer para sa kanilang nalalapit na kasal. Magtatagisan ng galing sa kusina sina Chef Harvey (Kelvin) at Chef Ginger (Thea Tolentino).

Siyempre, di magkamayaw ang fans nina Ruru at Shaira. Sweetness overload nga raw dahil dagdag pa sila sa chemistry ng tambalang MiKel nina Mikee at Kelvin.

Ibang level din kiligin ang kanilang ShaiRu shippers dahil napasama agad sa trending topic sa Twitter Philippines ang #ShaiRuONTLR noong nabalitaan nila ang cross-over ng dalawang Lolong stars.

“#ShaiRuOnTLR made it to the top trending topics on Twitter last night. Hindi niyo kami binigo sa kilig crossover namin ni Shaira sa The Lost Recipe. Maraming salamat, Shaira Diaz Forever at syempre sa Rurunatics!,” ani ni Ruru sa kanyang Facebook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pa raw aabangan sa “The Lost Recipe,” kaya huwag itong palampasin tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending