Anjo Yllana may mga pasa sa mata, pisngi. Napaaway nga ba? | Bandera

Anjo Yllana may mga pasa sa mata, pisngi. Napaaway nga ba?

Reggee Bonoan - January 30, 2021 - 03:37 PM

Napa-away ba si Anjo Yllana? Kaya namin ito naitanong ay dahil ilang araw siyang absent sa Happy Time na napapanood tuwing tanghali sa NET 25 at sa YouTube channel nito.

At pagbalik daw ng TV host/comedian nitong Biyernes ay may pasa sa mga mata at cheekbone. Pero nang lagyan siya ng make-up ay hindi na halata ang mga pasa pero ‘yung maga ay halata ng konti.

Maraming nakakita sa itsura ni Anjo kaya nag-alala sila na baka napaaway at nabugbog ang Happy Time TV host bagay na wala namang nai-report sa pulisya.

Anyway, nagpadala kami ng mensahe kay Anjo sa kanyang Facebook messenger pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot.

Si Anjo ay isa sa host ng Happy Time kasama nina Kitkat Favia at Janno Gibbs na nagsimula noong Setyembre 14, 2020 sa kasagsagan ng Covd-19 pandemic.

Gustong magpasaya ng NET 25 sa mga nasa bahay lang at hindi lumalabas kaya nagbukas sila ng sarili nilang noontime show. May mga pa-games din sila na mananalo ng cash prizes plus grocery bags na malaking tulong ito sa panahon ng pandemya. At higit sa lahat, nagbigay ang network ng trabaho sa production people na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Nagiging word of mouth na rin ang Happy Time base na rin sa viewers nila araw-araw na pino-promote ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending