Anak nina Andi at Philmar kumikita na rin bilang endorser: Our little Lilo loves the cameras! | Bandera

Anak nina Andi at Philmar kumikita na rin bilang endorser: Our little Lilo loves the cameras!

Reggee Bonoan - January 28, 2021 - 03:37 PM

ANG tarush ni Lilo, ang panganay nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, dahil sa murang edad ay kinuha na siyang endorser ng isang kilalang clothing line.

Pakiwari namin ay napansin si Lilo ng ad agency dahil lagi siyang kasama sa real life videos na ina-upload ni Andi sa kanilang “Happy Islanders” YouTube channel na meron nang 1.8 million subscribers.

Susundan mo naman talaga ang videos ni Lilo na kamakailan lang ay nakiki-Tiktok challenge na rin kasama ang papa Philmar niya na umaabot sa milyones ang views.

Napaka-charming naman kasi ng bagets at happy kid dahil wala siyang kuhang nakasimangot o may tantrums dahil kahit nakakulong lang sila ng Ate Ellie (Ejercito) niya sa bahay ay marami silang activities together.

Napansin naming marunong umanggulo si Lilo at kapag nalaman niyang nakaharap sa kanya ang camera ay panay ang smile niya at nagpapa-cute pa.

Nagustuhan namin ang pagpapalaki ni Andi sa mga anak na simple lang at hindi niya binibilhan ng mga laruan, pawang DIY (do it yoirself) lahat at hinahayaan din niyang sulatan ni Lilo ang dingding ng kuwarto niya na eventually ay madali namang linisin.

Anyway, ipinost ni Andi sa Instangram ang video ng anak na nakapambatang damit, “Look at her go!

“Our little Lilo loves the cameras! Happy to have her be part of this campaign for @hm #HMPhilippines and support their effort for producing sustainable clothing!”

Ang daming nagsabi na since nasimulan na ni Lilo ang maging endorser ay tiyak na marami na itong magiging kasunod.

* * *

Magbibigay-inspirasyon si Judy Ann Santos-Agoncillo ngayong Sabado sa pagbabahagi niya ng kwento ng apat na artists na nabago ang kapalaran dahil sa isang sikat na Pinoy Facebook page sa ABS-CBN show na “Paano Kita Mapasasalamatan.”

Ang “Definitely Filipino”, isang Facebook page na may 4.6 milyong followers, ang dahilan kung bakit natupad ang mga pangarap at nabigyan ng tulong ang mga pamilya nina Ben Totanes, Joyce Pief, Charina Echaluce at Gini Aala.

Itatampok sa episode si Ben, ang founder ng Definitely Filipino, na nilikha ang naturang online page matapos maging homesick sa ibang bansa at sa kagustuhang magbahagi ng iba’t ibang kwentong Pinoy.

Mapapanood din sa show ang kwento ng pintor na si Gini, na naipagamot ang nanay niya dahil sa isang viral na Definitely Filipino article.

Nabigyan naman ni Ben ng hanapbuhay si Joyce, na noon ay nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagsasara ng dati niyang negosyo. Dahil naman kay Joyce, nakamit ni Charina ang kanyang pangarap na maging writer at nakapag-release na ng best-selling novel na Minsan Okay Lang Ma-traffic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang mga totoong istorya na puno ng pag-asa at inspirasyon mula kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” tuwing Sabado, 7 p.m. sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending