Ion Perez sa nanay ni Vice: Mahal na mahal ko po ang anak ninyong si Tutoy | Bandera

Ion Perez sa nanay ni Vice: Mahal na mahal ko po ang anak ninyong si Tutoy

Ervin Santiago - January 28, 2021 - 09:27 AM

SUNOG na sunog kay Ion Perez ang ilang netizens na patuloy na nangnenega at nagdududa sa relasyon nila ni Vice Ganda.

Tinawag na “ebas” ng model-actor ang ginagawang pamba-bash ng mga haters sa pagmamahalan nila ng TV host-comedian na haggang ngayon ay hindi pa rin sila matanggap bilang lovers.

More than two years nang magdyowa sina Ion at Vice pero marami pa rin ang kumukuwestiyon sa tunay na intensiyon ng hunk actor-host kay Vice. Ang paniwala ng iba, ginagamit at pineperahan lang umano niya ang Phenomenal Box-Office Star.

Sa isang Instagram post ng binata kamakalawa, muling pinatunayan ni Ion ang pagmamahal sa kanyang “girlfriend” kasabay ng pagsupalpal sa mga nagdududa sa tunay na motibo niya sa pakikipagrelasyon kay Vice.

Ibinandera ni Ion sa kanyang IG account ang stolen shot nila ni Vice at nilagyan ng caption na, “Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin ko to! Isipan niyo muna na may isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO ang ANAK niyang si TUTOY!

“Daming EBAS! VAKLANG TWOO! O LOKO!” hirit pa ni Ion na ang tinutukoy ay ang nanay ni Vice. Tutoy naman ang palayaw ng komedyante.

Nagkomento naman si Vice sa post ng boyfriend, aniya, “Daming ebas! Lolz!!!” Na sinagot din ni Ion ng, “@praybeytbenjamin I LOVE YOU TUY (heart emojis).”

Kung matatandaan, may ipinost din ang aktor sa kanyang Instagram Story na direct message mula sa isang netizen. Pinagalitan nito ang binata dahil tila nawawalan na raw siya ng oras kay Vice.

“Obvious na nagtatampo na si meme (Vice),” sabi ng netizen. Nauubos daw kasi ang oras ni Ion sa pagmomotor at pag-aalaga ng kanilang mga aso sa bahay.

“May needs din si Meme…concern lang baka mamaya maghanap ng attention si meme sa iba…” ang mensahe pa ng netizen. Dagdag pa nito, hindi raw tama na si Vice lang lagi ang umiintindi sa relasyon nila.

Ang caption lang ni Ion sa kanyang IG Story bilang sagot sa netizen ay sandamakmak na red angry face with matching swear words emoji.

Sa isang panayam, sinagot na rin ni Ion ang mga nagsasabing pera lang ang habol niya kay Vice kaya nakipagrelasyon siya rito, “Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya.

“Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya.

“Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan niyo lang ako sa maghapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, magpapaalila ako sa inyo habang buhay, pagawa mo sa akin, basta may nasabi ka sa pag-uugali ko sa maghapon na tayo magkasama,” hamon ni Ion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending