James Bond movie na ‘No Time to Die’ muling na-delay ang pagpapalabas
Muling ipinagpaliban ang global release ng James Bond na pelikulang “No Time to Die”, ayon sa producer nito.
Mula sa dating schedule na Abril, ipapalabas na ang pelikula sa Oktubre 8, ayon sa pahayag ng James Bond website at maging sa Twitter.
Ang “No Time to Die”, mula sa Universal Pictures, ay dapat sanang ipapalabas noong Abril 2020 bago ito ginawang Nobyembre 2020, at pagkatapos ay Abril 2021.
Ang pelikula, na nagkakalahaga ng tinatayang $200 milyon, ay ang huling paglabas ng aktor na si Daniel Craig bilang agent 007.
Mula sa ulat ng Reuters
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.