10 taong gulang na mga bata, maari nang makapamasyal
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon na babaan pa ang edad ng mga bata na makalabas ng tahanan sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maari nang makapamasyal ang mga bata na nag-eedad ng 10 taong gulang sa mga lugar na nasa MGCQ simula sa Pebrero 1.
“Any person below 10 years old and those who are over 65 years of age shall be required to remain in their residence at all times,” pahayag ni Roque.
Inaatasan ng IATF ang local government units na sumunod sa bagong kautusan.
“Local government units, on the other hand, are enjoined to adopt the same relaxation of age-restrictions for areas under General Community Quarantine,” pahayag ni Roque.
Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga bata at matatanda na makalabas ng kani kanilang tahanan para makaiwas sa Covid-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.