Roll-out plans ng telcos naisumite na sa NTC | Bandera

Roll-out plans ng telcos naisumite na sa NTC

- January 21, 2021 - 07:14 AM

Pinagsumit ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunication companies ng kani-kanilang roll out plan upang masiguro na tuluy-tuloy nang mapapabilis ang speed ng internet sa bansa.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumpanya ng telekomunikasyon noong nakaraang taon na pagbutihin nila ang kanilang mga serbisyo.

Naipabatid na rin ng NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na isusulong nito ang implementasyon ng mga nasabing roll-out plan mula Enero hanggang Hunyo–tamang-tama sa nalalapit na State of the Nation Address ng pangulo ngayong taon.

Magsasagawa rin ng buwanang pagpupulong ang NTC at DICT kasama ang mga telcos upang masigurong ginagawa ng mga ito ang kanilang mga isinumiteng roll-out plan.

Ang NTC at DICT ay tutulong sa telcos sa anumang kakaharaping problema sa implementasyon ng mga roll-out plan lalo na sa usapin ng “red tape”.

Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng Covid-19 pandemic, ang internet speed ng ating bansa ay patuloy na bumibilis sang-ayon sa ulat ng Ookla nitong nakaraang December 2020.

Sa halos 120 milyong speedtests na isinagawa sa ating bansa noong 2020 ay iniulat ng Ookla na 297.47% ang improvement sa ating internet average download speed sa fixed broadband at 202.41% naman para sa mobile broadband mula noong 2016 kung kalian nagsimula ang administrasyong Duterte.

Ang average download speed ng bansa para sa fixed broadband ay napabilis mula sa 7.91 Mbps (Hulyo 2016) na naging 31.44 Mbps (Disyembre 2020); samantalang, ang average download speed para sa mobile broadband ay bumilis din mula sa 7.44 Mbps (Hulyo 2016) ay naging 22.50 Mbps (Disyembre 2020).

Ang ikatlong major telco player na DITO ay handa na para sa commercial launch nito sa Marso kaya ang Globe at Smart ay tinaasan naman nila ang kanilang capital expenditure–ang Globe ay tutustos ng P90 bilyon samantalang ang Smart naman ay naglaan ng P92 bilyon para lamang ngayong 2021.

Plano rin ng DITO na higitan ang Globe at Smart matapos nitong gumugol ng P150 bilyon noong 2020 sa kanilang infrastructure roll-out kagaya ng pagtatayo ng mga cell tower.

Ang pagtatayo ng mga karagdagang cell tower ay kinakailangan upang maging competitive globally pa lalo ang internet speed ng Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending