Entertainment editor Salve Asis bagong presidente ng SPEEd

Entertainment editor Salve Asis bagong presidente ng SPEEd

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 01:13 PM

Entertainment editor Salve Asis bagong presidente ng SPEEd

Ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa isang charity project

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ang pag-upo ng bago nitong pangulo na si Salve Asis.

Si Asis ay entertainment editor ng dalawang national tabloid sa bansa, ang Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Siya ang hahalili sa posisyon ng dating pangulo ng SPEEd na si Eugene Asis, entertainment editor naman ng People’s Journal na dalawang taon ding nagsilbi bilang presidente ng grupo.

Sa pagtatapos ng kanyang termino, nagpahayag ng tiwala at suporta si Eugene Asis sa bagong-halal na pangulo ng SPEEd na ilang taon na ring bahagi ng entertainment industry.

Nagsimula ang SPEEd bilang isang social club ng mga entertainment editor mula sa iba’t ibang national broadsheet, at mga nangungunang tabloid at online portal sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: 6th The EDDYS ng SPEEd tuloy ang pagbibigay parangal sa Okt. 22; awards night ididirek ni Eric Quizon

Sinimulan ito ng yumaong entertainment editor ng Manila Standard at president emeritus ng SPEEd na si Isah V. Red.

Ayon kay Asis, ang isa sa magiging top priority niya bilang pangulo ng grupo ay ang pagdaraos ng 7th edition ng The EDDYS o The Entertainment Editors’ Choice movie awards ngayong 2024.

Ipagpapatuloy din ng kanyang liderato ang pagsasagawa ng mga charity programs na isa sa mga adbokasiya at tradisyon ng grupo mula nang ito’y mabuo.

Bukod dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagsuporta ng SPEEd sa movie industry pati na rin sa lahat ng mga indibidwal at grupo na walang-sawang nagtataguyod sa kapakanan ng mga taga-industriya.

Ang ilan pang nahalal na opisyal ng SPEEd ngayong taon ay sina Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times) bilang Vice President Internal at Gerry Olea (Philippine Entertainment Portal) bilang Vice President External.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual eeksena bilang host sa 6th The EDDYS ng SPEEd, gagawaran din ng Isah V. Red Award

Sina Gie Trillana (Malaya) at Maricris Nicasio (Hataw) naman ang nahalal na Secretary habang si Dondon Sermino (Abante) at Dinah Sabal Ventura (Daily Tribune) ang Treasurer at Assistant Treasurer.

Re-elected naman sina Ervin Santiago (Bandera) at Nickie Wang (Manila Standard) bilang mga PRO at si Rohn Romulo (People’s Balita) naman ang bagong Auditor.

Ang iba pang miyembro ng SPEEd ay sina Neil Ramos ng Tempo, Robert Requintina ng Manila Bulletin, Nathalie Tomada ng Philippine Star, Ian Fariñas ng People’s Tonight, Dindo Balares (dating entertainment editor ng Balita) at Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisilbi namang mga adviser ng grupo sina Nestor Cuartero ng Tempo at ang former president na si Eugene Asis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending