Yassi Pressman tuluyan nang papatayin sa 'Probinsyano' ni Coco Martin? | Bandera

Yassi Pressman tuluyan nang papatayin sa ‘Probinsyano’ ni Coco Martin?

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Yassi Pressman tuluyan nang papatayin sa ‘Probinsyano’ ni Coco Martin?

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 09:55 AM

TULOY na tuloy na nga ba ang pamamaalam ng Kapamilya actress na si Yassi Pressman sa action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kalat na ang balita na lilisanin na ni Yassi ang teleseryeng pinagbibidahan nila ni Coco Martin at nakatakda na raw ang pagkamatay ng karakter niya sa kuwento bilang si Alyana.

Ang chika, kapag pinatay na si Alyana sa “Ang Probinsyano” si Jane de Leon na raw ang magiging bagong love interest ni Coco bilang si Cardo Dalisay. Kapapasok pa lang ni Jane sa serye na gumaganap namang pulis.

Mas lalo pang uminit ang chika ng pag-alis ni Yassi sa nasabing programa nang kumalat sa social media ang isang litrato na kuha sa isang eksena sa “Probinsyano” kung saan duguan si Yassi kasama si Richard Gutierrez.

Isang netizen na may handle name na @BeiAlonzo ang nag-post sa Twitter ng screencap ng nasabing eksena mula sa isang Facebook post.

“Caryana signing off (heartbreak and emoji character).

“Goodbye (crying emoji). Hindi namin makakalimutan ang mga sweet ninyo at akala namin habang buhay kayo yun pala hindi pinagiyak niyo kami (heartbreak and crying emoji) ito na pala ang huling buhay ni alyana (crying and heartbreak emoji),” ang nakalagay sa caption.

Dagdag pa ng Twitter user, magkapareho ang damit ni Alyana sa mga past episodes ng serye sa sinasabing “death” scene ng misis ni Cardo Dalisay. “Malapit ng matigok si Alyana lol,” sabi pa ng netizen.

Naging bahagi ng teleserye ni Coco si Yassi noong 2016 at mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang paglabas niya sa programa hanggang sa maging regular na bilang misis ni Cardo.

Kung matatandaan, bago pumasok ang 2021, napabalitang magpapaalam na “Probinsyano” si Yassi dahil marami siyang gagawing projects this year sa Viva Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending