Kakai, Derrick ikinumpara kina Wally at Paolo; Kim Rodriguez pinarangalan sa Korea | Bandera

Kakai, Derrick ikinumpara kina Wally at Paolo; Kim Rodriguez pinarangalan sa Korea

Ervin Santiago |January 21,2021
facebook
share this

Kakai, Derrick ikinumpara kina Wally at Paolo; Kim Rodriguez pinarangalan sa Korea

Ervin Santiago - January 21, 2021 - 09:47 AM

KAKAIBA at kwelang trio ang dapat abangan ng Kapuso viewers sa pinakabagong reality game show na “Catch Me Out Philippines” na pinangungunahan nina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio bilang Celebrity Spectators.

Hango sa sikat at exciting na entertainment program sa United Kingdom, bibida sa “Catch Me Out Philippines” ang mga ordinaryong tao na magpapakitang’gilas at makikipagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Upang magwagi, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.

Samantala, kahit ito ang unang pagkakataon na magkakasama-sama bilang hosts sina Jose, Kakai, at Derrick, aminado ang tatlo na hindi naging mahirap makapalagayan ng loob ang isa’t isa.

“Off-cam para na kaming mga matagal nang magkakakilala. ‘Yun ‘yung kagandahan. Hopefully makita ng mga tao ‘yung bond namin,” ani Derrick.

Sey naman ni Kakai, “I think this will be a very refreshing series. Ito kasi ‘yung first time na I am one of the leads of the show. Sobrang bago nito sa akin at napaka-positive niya.”

Inihalintulad naman ni Jose kina Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng “Eat Bulaga” ang samahan nilang tatlo nina Kakai at Derrick, “Sa ‘Bulaga,’ ang kasama ko JoWaPao, pero itong dalawa na ‘to parang ‘yun ding mga kasama ko. Hindi ko alam kung sino si Wally, kung sino si Pao sa dalawa pero napakagaling nu’ng drive nila. Parehong magaling.”

Magsisimula na ang “Catch Me Out Philippines” sa Feb. 6 na sa GMA.

* * *

Pinarangalan ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez bilang influencer sa 2020 Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards dahil sa natatangi niyang kontribusyon sa mundo ng culture and arts.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Kim ang natanggap na pagkilala dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa pagpapalaganap ng magagandang balita tungkol sa Korea.

Aniya sa caption, “Can’t believe I’ll be awarded for just doing what I love. Thank you so much, Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards for this!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Personal nang natanggap ng dalaga ang ipinadala ng Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards ang certificate sa kanilang bahay na nagmula pa sa Korea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending