Joem nagbabu sa Instagram, Twitter para iwas nega; Meryll dedma sa haters | Bandera

Joem nagbabu sa Instagram, Twitter para iwas nega; Meryll dedma sa haters

Reggee Bonoan |January 20,2021
facebook
share this

Joem nagbabu sa Instagram, Twitter para iwas nega; Meryll dedma sa haters

Reggee Bonoan - January 20, 2021 - 11:42 AM
HINDI namin pinapansin ang mga notification sa panayam namin kay Joem Bascon noong Dis. 8, 2019 sa presscon ng pelikulang “Culion” na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Hanggang sa tsinek nga namin ito, ang dami na palang comments tungkol sa mga pahayag ng aktor noon tungkol sa hiwalayan nila ng dating karelasyong si Crisha Uy. Umabot sila ng 8 years at inamin din sa amin ng aktor na napag-uusapan na nila noon ang kasal pero nagkahiwalay nga.

Ang famous line kasi ni Joem sa aming panayam, “Nandoon ako sa proseso na inaayos ko ang sarili, hinahanap ko rin ‘yung sarili ko ulit, mga gusto ko para sa sarili ko, para sa trabaho ko. Nandoon ako sa stage na ‘yun.”

Ito ang nag-trigger sa mga nakapanood ng panayam namin kay Joem (naka-upload sa aming YouTube channel) na magkomento sa issue.

May manaka-nakang comments na kaming nababasa noon tungkol sa pagiging unfaithful ni Joem kay Crisha dahil ang itinurong dahilan ay si Meryll Soriano na sapantaha ng iba ay nagkabalikan sila at ngayon nga ay may anak na.

Gusto rin naming balikan ang presscon ng pelikulang “The Annulment” na pelikula naman ni Joem kasama si Lovi Poe noong Okt. 26, 2019 na nu’ng panahong iyon ay malungkot na ang mga mata ng aktor at indirect niyang nabanggit sa one-on-one interview na may pinagdaraanan sila ni Crisha.

Hanggang sa dumating na nga ang mediacon ng “Culion” kung saan inamin ni Joem na hiwalay na nga sila at idinaan lang niya sa tawa pero halatang pigil ang mga luha.

Ayaw ikuwento ng aktor kung ano ang dahilan ng hiwalayan, “It’s my first time to open about my relationship and I guess with this one and ‘yung rason kasi…sa amin na lang siguro.  Siyempre mahirap kung anuman ‘yung naging rason at napag-usapan namin pareho ay mahirap for both of us.”

Kitang nanghinayang din si Joem sa 8 years na pagsasama nila ni Crisha pero sabi nga niya, kailangan niyang pagdaanan ang lahat.

Diretsong tanong namin sa binata kung si Meryll ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Crisha at kung nagkabalikan sila ng aktres.

“Nagkabalikan kami ni Me (tawag niya kay Meryll), hindi. Alam mo naman ang showbiz kapag nakitang may mga photos, ang masasagot ko lang na ngayong time na hinahanap ko ang sarili is lumabas kami with friends at si Me is one of those siyempre kasama ko sa Culion (at) sa Starla. Hindi naman maiiwasan kung ano ang sasabihin ng tao,” paliwanag niya.

At dahil nga ibinandera na nina Meryll at Joem ang anak nila nitong Enero 1 ay dito na ulit nabuhay ang isyu na ang aktres nga ang dahilan kaya iniwan ng aktor ang ex-vlogger girlfriend niya.

Ang matagal na pananahimik ni Crisha ay naputol dahil nga maraming nagtanong sa kanya tungkol dito na sinabing “kinaliwa” siya at ayon din kanya ay matagal na niyang alam ang lahat ng nangyayari dahil marami silang common friends ng dating karelasyon na nagpaparating sa kanya ng balita.

Pero dahil sa paulit-ulit na tanong kay Crisha kaya siguro na-trigger na rin ang dalaga na sumagot at maglabas ng saloobin tungkol sa umano’y panloloko sa kanya ni Joem.

At para makaiwas sa bashing ay nag-deactivate na si Joem ng kanyang Instagram account at hindi na rin siya aktibo ngayon sa Twitter.

Si Meryll naman ay puro happy thoughts ang ipino-post sa IG, ang memories nila ni Joem noong nagsimula siyang magdalangtao hanggang sa manganak.

Meron ding mga larawang kasama ang kani-kanilang magulang, pati ang bonding nina Elijah at ng kapatid nitong bagong silang. Sa madaling salita, masaya ang dalawa at walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit namin ito sinulat? Para malaman na ngo pa nagkabalikan sina Joem at Meryll ay hiwalay na ang aktor sa dating karelasyon at Oktubre palang ay may gusot na silang inaayos ni Crisha na nauwi rin sa hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending