Derek malalim ang hugot sa mga tsismis: I no longer have time to explain myself... | Bandera

Derek malalim ang hugot sa mga tsismis: I no longer have time to explain myself…

Ervin Santiago |January 19,2021
facebook
share this

Derek malalim ang hugot sa mga tsismis: I no longer have time to explain myself…

Ervin Santiago - January 19, 2021 - 05:45 PM

MAY malalim na hugot si Derek Ramsay para sa mga taong nakakabasa at nakakarinig ng kung anu-anong tsismis na kumakalat sa social media tungkol sa kanya.

Wala man diretsahang binanggit ang hunk actor, ang paniwala ng kanyang mga supporters ay konektado nga ito sa pagli-link sa kanila ni Ellen Adarna matapos kumalat ang mga “landian” at “tuksuhan” photos nila.

Kuha ito sa ginanap na dinner party hosted by Derek na ipinost nga ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram Story.

Bukod pa nga riyan ang hindi pa ring matapos na issue tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Torres kahit na ilang buwan na rin silang nagkanya-kanya ng landas.

Sinundan pa nga ito ng “bukingan portion” habang iniinterbyu si Ellen sa isang programa ng TV5 sa pangunguna ni MJ Marfori. Nalaman kasi ng mga viewers na nasa bahay uli ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa ang aktres.

Ang sabi ni Ellen, magkapitbahay talaga sila ng aktor at hindi lang naman daw siya ang nandu’n nu’ng mga oras na yun.

At ngayong araw nga, Jan. 19, nag-post ang aktor sa IG ng litrato ng Hollywood actor na si Brad Pitt na kuha mula sa isang eksena ng pelikula nito.

Nakasulat sa ibabang bahagi ng litrato ang mensaheng, “Whatever you hear about me please believe it.

“I no longer have time to explain myself. You can also add some if you want.” Wala siyang inilagay na caption dito.

May mga nagpahayag ng suporta kay Derek at nagsabing i-block na nito ang mga followers niya na wagas kung makapam-bash, lalo na raw yung mga bastos na netizens.

Comment ng isang IG user, “U need to start blocking people making rude and inappropriate comments.”

Reply ni Derek sa kanya, “@annemarie.lopez25 let them be. They have the right to express their opinion.”

Sey naman ng isa pa niyang follower, “@ramsayderek07 but they don’t have the right to insult you.”

Na sinagot ng aktor ng, “@wellarsh17 true. Let’s be understanding nalang.”

May nagsabi naman na kailangang turuan ng leksyon ang mga netizen na iresponsable at walang pakundangan sa pagkokomento sa socmed. Sey ni Derek sa netizen, “True. But let’s be understanding nalang.”

Isa pa sa mga comment na hindi pinalampas ng hunk actor ay ang

nagsabing, “Wag kasi babaero (laughing emoji).”

Hirit ni Derek, “(laughing emoji) Wag ka kasi mag assume.”

May ilan pang naghamon sa binata na sagutin na kasi niya kung ano ba talaga ang rason ng break up nila ni Andrea para tumigil na ang mga bashers sa panghaharas sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending