Joross, Roxanne pinatunayang may asim pa rin ang JoRox makalipas ang 16 taon | Bandera

Joross, Roxanne pinatunayang may asim pa rin ang JoRox makalipas ang 16 taon

Reggee Bonoan - January 19, 2021 - 02:31 PM

NAPANOOD na kahapon, Enero 18 ang balik-tambalang proyekto nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo na “Hoy, Love You” sa iWantTFC.

May anim itong episodes na ipalalabas araw-araw tuwing 8 p.m, hanggang Enero 24.

Sa nakaraang zoom mediacon ng serye ay nabanggit ng JoRox loveteam na wala silang ginawang effort para magpakilig kaya nagtataka sila kung bakit bentang-benta ang mga nakapanood ng full trailer ng “Hoy, Love You” bago ito ipinalabas kahapon.

Nalaman nilang sila pala ‘yung mga dating fans pa ng JoRox na may mga pamilya na rin ngayon.

Kami rin naman ay naaliw kina Joross at Roxanne dahil halatang effortless ang pagpapatawa at pagpapakilig nila. Kilalang komedyante at magaling bumato ng punchlines ang aktor at ang aktres naman ay ganu’n pa rin ang acting, nag-mature nga lang.

Natanong ang dalawa kung may pressure ang muli nilang pagtatambal sa “Hoy, Love” since successful ang mga nauna nilang mga programa.

“Actually itong project na ito hindi namin iniisip kung paano hihigitan o (pagagandahin), ang importante is magampanan namin nang maayos ‘yung roles namin. Basta ako ang paniniwala ko ang kailangan naming i-please is ‘yung aming direktor.

“Hindi namin muna inisip kung paano ipi-please ang audience kasi ‘yung direktor namin siya ang magdidirek ng lahat, siya ang magtatahi ng istorya,” paliwanag ni Joross.

Dagdag naman ni Roxanne, “Siya ang mag-aaprub kung na-deliver natin ng tama ‘yung mga bawat eksena. Ang pressure po do’n ay ‘yung expectation ng direktor. Kasi siya ang may eye, may vision kung magiging maganda ‘yung produkto dahil sa performance ng mga artista.

“Yes comedy siya kung iisipin natin, light, magaan talagang gawin pero hindi rin ganu’n kadali kasi mahirap magpatawa. Ang pagpapatawa ay hindi lang basta binitiwan mo ang mga linya mo, dapat mapapatawa mo ang tao, dapat may kuneksyon kayo ng co-actors mo. Timing ang importante at kailangan may rapport talaga kayo.

“At ‘yung pag-stay namin dito sa Lobo (Batangas) ay nakatulong ‘yun dahil nagkaroon kami ng bonding, ‘yung relationship ng bawa’t isa.

“Saka tingnan n’yo lang si Yamyam (Gucong), nakakatawa na,” sabi pa ni Joross.

Umayon naman si Direk Theodore Boborol sa pahayag ng JoRox, “Super na-satisfy naman.  I am very pleased, wow! Kasi kung may pressure from them, ako naman may pressure sa mga producer ko, mga bosses ko, but I guess ang pressure lang naman is if we can finish the shoot within 10 days but in terms of performance, wala akong problema sobrang naniniwala akong kayang-kaya nilang lahat.

“Si Roxanne was there at first hindi naman siya known for her comedic role but first scene pa lang, alam kong na-prepare siya at alam na alam niya ‘yung character niya, kuhang-kuha niya ‘yung nuisances.

“And I am very thankful also kasi si Joross, nagdidirek at nagsusulat na rin at gina-guide rin niya si Roxanne.  Between the two, si Joross naman talaga ‘yung komedyante so very natural ang banter at tama nga si Roxanne it’s all about the chemistry.

“Di ba ang comedy is all about action and reaction and they have that kasi gamay nila ang isa’t isa.  Alam nila kung paano basahin ang isa’t isa. Nagtutulungan ‘yung dalawa, ‘yun ‘yung na-appreciate ko sa kanila,” sabi pa ng direktor.

Kaya magandang example rin ang JoRox sa KarJon (Karina Bautista at Aljon Mendoza) kasi nakikita nila na kahit may issues sila before dahil ex-lovers sila ay napanatili nila ang kanilang friendship at professionalism at successful ang loveteam nila pagkalipas ng 16 years dahil may project pa rin sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa JoRox at KarJon ay kasama rin sa serye sina Dominic Roque, Pepe Herrera, Keanna Reeves, Brenna Garcia, TJ Valderrama at Carmi Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending