Crisha Uy sa pag-amin nina Joem at Meryll: Nagalit ako...sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon | Bandera

Crisha Uy sa pag-amin nina Joem at Meryll: Nagalit ako…sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon

Ervin Santiago |January 18,2021
facebook
share this

Crisha Uy sa pag-amin nina Joem at Meryll: Nagalit ako…sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon

Ervin Santiago - January 18, 2021 - 05:28 PM

“NAGALIT ako,” ang pag-amin ng vlogger na si Crisha Uy nang mabasa ang balita tungkol sa pagbabalikan ng ex-boyfriend niyang si Joem Bascon at ng aktres na si Meryll Soriano.

Sa bago niyang vlog sa YouTube, sinabi ni Crisha na alam na niyang magkakaroon na ng baby ang celebrity couple bago pa nila ito ibandera sa social media.

Ang video ng ex ni Joem ay may titulong “Reacting to Comments About ME and My EX (LAST NA TO HA?)” kung saan sinabi nga niya na parang sinampal siya nang finally ay umamin na rin sina Meryll at Joem tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila.

“I remember same time last year I released my break-up story vlog. Hindi ko akalain na mag-a-upload uli ako ng ganitong vlog, yearly. I decided na talaga to react sa comments, tags, assumptions, at tsismis n’yo sa akin para once and for all, klaro na ang lahat.

“I remember that photo that was release that day, ‘yung araw na iyon, It was uploaded before my birthday, nag-flood nga siya, tags, mentions, comments.

“Then I thought it was an early birthday greetings, ‘yun pala pasabog. Hindi ko alam kung bakit n’yo ako tinag, minention, gusto n’yo yata akong saktan,” natatawang reaksyon ng vlogger.
Sabi pa ni Crisha, “Alam ko ang totoo, alam ko ‘yung relationship nila. They’re bundle of blessings. Long way before pa noong na-upload ‘yan.

“Reading the article ‘yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus ikinuwento o itsinika lang sa iyo.

“Parang feeling ko kasi kailangan kong ilabas ang naramdaman ko that day na galit ko, ang sakit na iyon, kung ano man ang naramdaman ko that day. Pero hindi dahil sa mahal ko pa siya, kundi kasi naka-move on na ako eh.

“Ano lang, finally, na-comfirm ko nagsinungaling talaga siya noon. Na kasi I gave them the benefit of the doubt before.

“Pero ‘yun nga, sampal pala iyon sa mukha nang makita ko iyon. Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon na finally girl comfirmed ganoon ang feeling,” pagpapakatotoo pang pahayag ng dalaga.

Sinagot din ni Crisha ang tanong kung bakit sa loob ng walong taon nilang relasyon ni Joem ay hindi sila nagkaanak.

“That time it was not in our minds. Siguro kasi we’re not with the right person. If napanood nyo yung vlog ko we were planning to get married a saka na magka-family. ‘Yun nga, I thank God hindi natuloy yun kasi we are not really meant to be and God is good.”

Sa huli, ipinagdiinan ng vlogger na naka-move on na talaga siya, “Proseso talaga ang lahat. You know somethwere along the way talagang madadapa ka tulad ng mga hurtles na ganito, pero hindi ibig sabihin magpatalo ka sa emotions mo, sa mga nakaranas ng tulad nito, ‘wag kayong magmadali.

“I hope to close this chapter in my life and I guess the greatest take away sa lahat ng ito, ang importance ng honesty. Dapat honesty shouldn’t not only sa ligawan stage, during the relationship or in love kayo sa isa’t isa.

“Dapat honest din kayo kahit sa isang failure na failure sa isang relationship. Kahit sa break-up stage kahit masakit. Kasi kung may honesty, may maiiwan na respeto sa isa’t isa,” diin pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para sa huli niyang hirit, ito lang ang nasabi ni Crisha, “Naiyak ko na ‘yan nu’ng 2019 pa. So 2021 na, let’s move on.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending