Rica Peralejo umaming fake ang gamit na bag: It’s like a bayong na bagay sa all, at kasya all
MARAMI ang humanga sa pagiging totoo at prangka ng hindi na gaanong aktibong aktres ngayon na si Rica Peralejo.
Kung ang ibang celebrities kasi ay takot na takot gumamit ng mga peke o class A na (branded) bag, ibahin ninyo si Rica.
Mismong siya pa ang nagbisto sa sarili niya na fake Louis Vuitton bag ang kanyang bitbit sa isang litrato na ipinost niya sa Instagram.
Sa kanyang IG photo, inisa-isa ng aktres ang kanyang OOTD at suot na accessories. Aniya sa caption, “On me: Francesca in utility grey from our #mumxrpbcollection_01, face shield natural, mask din, sandals from @uniqlophofficial, and my fake LV bag.”
Paliwanag niya, “Okay disclaimer, hindi ako mahilig sa branded. Binenta ko na actually ‘yung mga branded bags ko kasi, sa totoo lang, hindi ko naman magamit.
“I would rather buy a tent with that money. Hahaha!
“But, okay, someone gave me this, and when I used it… Bongga! It did the job! I love the tote-ness of it. It’s so… tote-ful? It is like a bayong na bagay sa all at kasya all,” bahagi pa ng caption ni Rica sa kanyang IG post.
Iba-iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa paggamit ni Rica ng pekeng branded bag. May mga sumang-ayon at nagsabing isa siyang wais at praktikal na mommy pero meron ding kumontra sa kanya.
“Dun tayo sa bag na hindi mo panghihinayangang lagyan ng buong buhay mo kasi #thismommylife,” ayon sa isang netizen.
Sabi naman ng isang supporter ni Rica, “Love your being down to earth, practical momma. I am encouraged by your honest views on life and your daily walk with the Lord.”
“But, isn’t it against the law to buy or use counterfeits?” ang hirit naman ng isang netizen.
“I would rather buy local or ‘yung mga mas affordable na bags than buy a Class A Hermés, Louis Vuitton, or whatever,” komento ng isang IG user.
Sey naman ng isa pang kumampi kay Rica, “Sure ako na hindi lang si Rica ang gumagamit ng fake LV, sya lang ang matapang na umamin sa publiko. Kaya yung iba dyan wag na kayong mahiya hindi kasalanan ang gumamit ng mga class A bag.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.