Marco Alcaraz nag-share ng asawa tips: Pag mali mo, mag-sorry ka, pag mali niya, mag-sorry ka pa rin... | Bandera

Marco Alcaraz nag-share ng asawa tips: Pag mali mo, mag-sorry ka, pag mali niya, mag-sorry ka pa rin…

Ervin Santiago - January 18, 2021 - 09:32 AM

PATOK sa mga netizens ang ibinahaging “asawa tips” ng aktor na si Marco Alcaraz para sa inaasam na “forever” ng mga magdyowa.

Ten years nang kasal ngayon sina Marco at beauty queen-actress na si Lara Quigaman at talaga namang going strong pa rin ang kanilang pagsasama.

In fairness, tahimik at tsismis-free ngang matatawag ang married life ng celebrity couple kaya marami ang saludo sa galing nilang mag-alaga ng relasyon.

Kaya naman sa Instagram page ni Marco, nag-share siya ng ilang tips na natutunan niya sa loob ng 10 taong pagsasama nila ni Lara na maaari ring gawin ng mga mister na tulad niya.

Aniya, may dalawang magic words silang ginagamit para mapanatili ang maayos at matatag na relasyon — yan ay ang oras at komunikasyon.

“Ang magandang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagbibigay ng mas maraming oras sa pakikinig kesa sa pagsasalita.

“Kaya pag may sinabi ang asawa mo Yes Boss lang ang sagot mo. Walang ibang sagot kung hinde Yes Boss. Tingnan nyo mukha ni Lara masayang masaya dba? #HappyLaraHappyMarco #HappyWifeHappyLife,” pahayag ni Marco.

Tungkol naman sa usaping pera sa pagitan ng mag-asawa, may hugot din diyan ang aktor, “Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyong mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera parin ni Mrs yun. ayus ba?”

Dagdag pa niya, “Asawa Tips: Kapag mali mo, mag sorry ka. Kapag mali niya, mag sorry ka pa din. Bawal kang manalo ha. Bawal! #happywifehappylife.”

Patuloy pa niya, “Normal lng sa mag-asawa ang mag away at magkatampuhan. Pero siguraduhing pag-usapan kaagad ito para hindi na lumaki at lumala ng todo. Kasi pag lumaki at lumaki ang tiyan buntis na po yan. Gets nyo ba? Ang gulo… ako rin nagulohan.”

Ikinasal noong 2011 sina Marco at Lara sa isang civil ceremony sa Vancouver, Canada at noong 2012 muli silang ikinasal dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Christian ceremony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biniyayaan sila ng tatlong anak — sina Noah, Tobias at Moses.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending