Paolo kinontra ng ama sa pagiging commercial model: Sabi ni Papa, kung itutuloy mo 'yan, ikaw bahala sa buhay mo | Bandera

Paolo kinontra ng ama sa pagiging commercial model: Sabi ni Papa, kung itutuloy mo ‘yan, ikaw bahala sa buhay mo

Ervin Santiago - January 17, 2021 - 03:58 PM

KUNG hirap na hirap ang ilang sumasabak noon sa audition para sa mga TV commercial, ibahin n’yo ang actor-host na si Paolo Ballesteros.

May gimik kasi ang “Eat Bulaga” Dabarkads kapag nag-o-audition siya for a TV ad at ito ang lagi niyang ginagawa para raw magmarka siya sa mga naghahanap ng talent.

Sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga” nagpahinga muna si Paolo bilang host para maging isa sa mga choices ng humarap sa celebrity judge na si Ivan Mayrina.

Ang isa nga sa mga tanong sa Kapuso news anchor ay sinu-sino sa mga artistang humarap sa mga Dabarkads ang nagsimula muna bilang commercial model bago sumikat nang bonggang-bongga sa showbiz.

Kuwento ni Paolo, 18 years old siya nang magsimulang mapa-VTR para sa mga TV commercial. Ang pinsan daw niyang pamangkin ng kanyang tita na si Eula Valdes ang kumumbinsi sa kanya na mag-audition.

Kaya naman lumuwas siya ng Maynila mula sa kanilang probinsya para subukan nga ang swerte niya sa pagiging commercial model.

“Sabi niya sa akin, ‘bakit hindi ka mag-commercial?’ E, siyempre, hindi ko naman alam kung paano tapos no’ng nag-college na ko, kinontak ko siya sinabi kong gusto ko na mag-commercial,” kuwento ng award-winning actor.

Dito nga niya nabanggit na talagang  acting na acting siya kapag nag-o-audition para raw tumatak ang pangalan niya sa mga caster.

“Dinadaan ko na lang sa akting-akting kasi nga alam ko na ‘yung process na dadaanan lang ‘yun ng mga caster. Kapag hindi memorable ‘yung ginawa mo, siyempre, dadaanan ka lang.

“Pero kapag memorable ‘yung ginawa mo, hihinto sila, ‘anong ginawa n’on?'” chika ni Pao.

Naniniwal rin si Paolo na swertihan din ang makuha sa isang TV commercial. May pagkakataon pa nga raw na sabay siyang nag-audition para sa TV commercial ng isang fast food at isang brand ng cookie at hindi niya akalain na pareho siyang natanggap dito.

“‘Yung pagbi-VTR kasi sa commercial, kailangan masipag ka pumunta sa mga VTRs pero may kasama din na luck, swertihan. Kasi ako ‘pag nagbi-VTR, napapasok kagad sa final casting,” paliwanag pa ni Paolo.

Inamin naman ni Paolo na hindi raw pabor ang kanyang tatay sa pagiging commercial model niya. Ang gusto raw kasi nito ay mag-concentrate siya sa pag-aaral at makapagtapos.

Kuwento ni Paolo, “Sabi ni Papa, kung itutuloy mo ‘yan, ikaw bahala sa buhay mo. Parang ‘di niya ko susustentuhan so parang naging self-supporting ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending