‘Gusto kong makilala nila kung sino talaga si Barbie Forteza’
NAGING “responsible adult” at natuto ring mag-ipon ang Kapuso drama princess na si Barbie Forteza nang dahil sa pandemya.
Kung noon, hindi masyadong binibigyang importansiya ng dalaga ang kahalagahan ng pagse-save para sa kinabukasan ngayon ay isa na ito sa mga priority niya sa buhay, idagdag pa ang pag-iingat sa kalusugan ng buong pamilya.
“If there’s one thing na ipagpapasalamat ko sa pandemyang ito, it made me a more responsible adult.
“Before kasi hindi ko iniisip ‘yung future eh. Akala ko noon parang sa pelikula lang puwedeng mangyari ito, na nag-shutdown ang buong mundo.
“At least ngayon ready ako, pero paano in the future? So sinimulan ko siyang planuhin. I’ve made some plans last year na hopefully this year ma-accomplish ko.
“I learned to save, natuto akong maging mindful sa mga expenses ko, sa income ko, sa health ng family ko. Dati kasi tini-take for granted ko kasi nandiyan lang naman sila pero ngayon mindful na ako sa health ko at sa health ng family ko,” pahayag ni Barbie sa panayam ng entertainment press.
Isa pa sa natutunan ni Barbie ngayong may health crisis ay ang paggamit sa social media, partikular na ang YouTube at TikTok para aliwin ang sarili pati na ang kanyang fans.
“Sini-share ko lang sa supporters ko and sa ibang tao kung ano ‘yung pinagkakaabalahan ko nung quarantine bilang lahat tayo bawal lumabas. Baka sakaling maka-relate sila sa mga ginagawa ko.
“It’s also a way of de-stressing kaysa nakahiga ka lang sa kuwarto, siguro mas okay na mag-TikTok ka naman once in a while.
“This pandemic natuto ako kahit paano na magluto, napilitan kang mag-workout. Nakakatuwa lang kasi parang in a way nagiging isa ‘yung routine nating lahat lahat. Nagkaroon tayo ng quarantine routine,” paliwanag ng “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” lead star.
Patuloy pa niya, “Actually kaya ko rin po sinimulan ‘yung YouTube channel ko kasi I wanted them to know the real Barbie. Hindi ‘yung kung sinong Barbie lang ‘yung napapanood nila sa TV. Kasi, I’m a little bit deeper than that, in all fairness to me.
“So gusto kong i-share sa kanila ‘yung ginagawa ko kapag hindi ako nagtatrabaho, na kung hindi ako artista isa pa rin akong normal na tao. Isa pa rin akong anak, kapatid, girlfriend. Nakakatuwa kasi nakaka-relate rin sila sa akin.”
Dagdag pa ng girlfriend ni Jak Roberto, “Lahat ng tao nasa digital world na para maging relevant ka as an artist, dapat sumabay ka rin doon, dapat nakikita ka rin doon hindi lang sa TV.
“It’s a win-win situation kumbaga. I get to stay relevant, updated ‘yung mga supporters, and malaking tulong din siya ngayong pandemic, financially,” chika pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.