Kabuuang kaso ng Covid-19 sa Pinas malapit nang umabot sa kalahating milyon | Bandera

Kabuuang kaso ng Covid-19 sa Pinas malapit nang umabot sa kalahating milyon

Karlos Bautista - January 16, 2021 - 05:37 PM

Richard Reyes, Inquirer

Malapit umabot sa kalahating  milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Department of Health, hanggang ika-4 ng hapon ngayong Sabado ay nadagdagan  ng 2,058 ang may Covid-19 sa bansa, kung kaya’t umabot na ang kabuuang bilang sa 498,691.

Sa bilang na ito, 28,674 o 5.7 porsyento ay mga aktibong kaso.

Walo naman ang namatay ngayong araw dahil sa nakakahawang sakit habang 406 ang gumaling. Sa kabuuan,  9,884 na ang namatay at 460,133 naman ang nakarekober.

Ang mga lalawigan ng Cavite at Rizal na kapwa nagtala ng 96 na kaso ang may pinakamalaking bilang ng tinamaan ng coronavirus.

Sumunod dito ang Leyte na may 96 na kaso, 85 sa Quezon City at 84 sa Mountain Province.

Limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang record ngayong araw, ayon sa DOH.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending