Joao dedma muna sa babae para sa career; Cornerstone umabot na sa 130 ang talent

Joao dedma muna sa babae para sa career; Cornerstone umabot na sa 130 ang talent

Reggee Bonoan |January 14,2021
share this

Joao dedma muna sa babae para sa career; Cornerstone umabot na sa 130 ang talent

Reggee Bonoan | January 14,2021 - 01:22 PM

ANG Cornerstone Entertainment na ang nagma-manage sa career ng young singer-actor na si Joao Constancia.

Winelkam siya noong Disyembre pa at base sa kuwento ay magiging aktibo na ulit ang binata sa kanyang music through Cornestone Music.

Simula kasi nu’ng na-disband ang grupong Boyband PH matapos umalis ang isa sa miyembro nilang si Russell Reyes para bumalik ng Amerika at tapusin ang pag-aaral ay hindi na naging aktibo ang grupo at nagkanya-kanya na.

Sa ngayon ay wala na kaming balita kina Niel Murillo, Ford Valencia at Tristan Ramirez lalo na nu’ng nagsara ang ABS-CBN dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa.

Bukod tanging si Joao na lang ang aktibo dahil bukod sa pagiging singer ay artista rin siya at marami siyang naging project sa kasagsagan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Palibhasa’y may talent naman sa pag-arte kaya nagtuluy-tuloy si Joao pero gusto pa rin niyang kumanta kaya nakipag-ugnayan siya sa CS para hawakan ang karera niya.

“Priority pa rin naman niya ang pag-aartista pero siyempre since kumakanta pa rin siya kaya puwede naman siyang gawan ng record,” pahayag sa amin ni Caress Caballero, head publicist at handler ng Cornerstone Entertainment.

Walang karelasyon ngayon si Joao simula nang maghiwalay sila ni Sue Ramirez noong Agosto, 2019 at umasa pa siyang magkakabalikan sila noong 2020, pero hindi na nangyari dahil may iba na ngayong karelasyon ang aktres.

Itinuon na lang ni Joao ang panahon sa kanyang career na naging maganda naman ang resulta.

Samantala, nasa 130 artists na lahat ang hawak ng CS at tila hindi uso ang pandemic sa kanila dahil ang daming influencers na nagpa-manage na rin na hindi namin kilala pero siyempre kilala sila sa mundong ginagalawan nila.

Kung hindi kami nagkakamali, narito ang iba pang nasa pangangalaga ng Cornerstone: ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice, asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati, anak ni K na si Crystal Brosas, DJ and TV host Eva Ronda, Ian Pangilinan, singer na si Jasmine Henry, singer Josh Adornado, kilala sa Tiktok na si Justin Uy, Kris Bernal, vlogger at wifey ni Slater Young na si Kriz Uy, singer Lesha at Marc David (sumali sa StarStruck).

Nandiyan din ang Sports host na si Martin Javier, Bida Man Nathan Garcia, Nerissa Shawyer, Binibining Pilipinas 2016 Miss Grand International Nicole Cordoves, content provider Paolo Balanag, athlete-actor Paolo Pangilinan, actor Rayt Carreon, Miss Earth Philippines –Ms Earth 2020 Roxie Baeyens, Super Bods 2016 Ryan Sy, singer Sam Hasimoto, Bida man Vien King, Wendell Pamfilo, kapatid ni Franco Laurel na singer Yanah Laurel, at Korean singer na si Yohan King na unang nakilala bilang Yohan Hwang.

Kailan naman kaya nila iwe-welcome si former Quezon City Mayor Herbert Bautista? Wala pa kasi siya sa opisyal na listahan ng mga CS artists.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending