Tekla nakaranas ng bonggang b-day party: Sa 39 years mula noong isilang ako, this is the 1st time

Tekla nakaranas ng bonggang b-day party: Sa 39 years mula noong isilang ako, this is the 1st time

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

Tekla nakaranas ng bonggang b-day party: Sa 39 years mula noong isilang ako, this is the 1st time

Ervin Santiago | January 14,2021 - 09:34 AM

SA unang pagkakataon, sa loob ng 39 years, naranasan na rin sa wakas ni Super Tekla ang magkaroon ng bonggang birthday party.

At yan ay dahil sa bonggang birthday surprise na regalo sa kanya ng kanyang BFF at ka-tandem na si Donita Nose na talagang nag-effort para paligayahin si Tekla sa ika-39 kaarawan.

Sa latest vlog ng “Donekla in Tandem”, mapapanood ang mga ganap sa surprise celebration ng Kapuso TV host-comedian na dinaluhan ng ilan sa mga mahal nila sa buhay at malalapit nilang kaibigan.

Ang drama ni Donita Nose, gagawa sila ng bagong vlog at may challenge siyang ipagagawa kay Tekla. Kaya naman nakapiring ang comedian nang dumating sa resort na pinagdausan ng party.

Nang alisin na niya ang blindfold, kitang-kita ang pagka-shock ni Tekla nang makita ang iba pa niyang mga friends sa showbiz, kabilang na sina Boobay, Divine Tetay, Pepita Curtis, at Beks Battalion.

Naroon din ang anak niyang si Aira kasama ang ex-wife na si Irene at ang isa sa kanyang mga kapatid. May mga video messages ding ipinalabas sa party mula sa iba pang kapamilya at kaibigan ni Tekla na hindi nakarating.

Narito naman ang mensahe ni Tekla, “Sa lahat ng mga kaibigan ko na nandito, hindi ko in-expect ‘to. As in totally blind ako ngayong araw na ‘to kasi wala, kasi naka-mindset na ako na ‘Okay, ganun na siguro. Every birthday ko walang magaganap.’

“So nakapako na ako doon. Sige, okay lang. Kung ano ano, papalipasin ko nalang. Pero this could be as sobrang espesyal na araw sa loob ng 39 years mula noong isinilang ako. This is the first time.

“Thank you, thank you so much sa lahat ng nandito. You are real friends. Talaga, kasi may kanya-kanya kayong pupuntahan pero nagbigay kayo ng time sa isang ta. Kakaiba ‘yun. And ite-treasure ko ‘yun. Thank you, thank you so much beshie dahil ikaw ang pasimuno nito,” emosyonal na pahayag ng komedyante.

Nag-post din siya sa kanyang social media account para muling pasalamatan ang Diyos sa lahat ng blessings na natatanggap niya, “LORD napakabuti mo sa akin. Salamat sa buhay na pinagkaloob mo sa akin mula sa sinapupunan nang nanay ko hanggang sa loob ng 39 years.

“Salamat sa iyong pagmamahal at biyaya sa akin. Salamat sa buhay ko Panginoon. Wala ako sa mundong ito kung wala ang iyong proteksyon, pagmamahal at biyaya.

“Salamat sa nanay at tatay ko, sa mga anak at pamilya ko at sa mga nagmamahal at sumusuportang mga totoong kaibigan, nagmamalasakit meron man o wala.

“Salamat sa tahanan ko, GMA Network at sa beshey antie Donita Nose, Boobay, Rhoenna Deunida, Jhie Allianna blog, Jon Santos, Eats Jeremy Blog, Beks Battalion, Beks Friend, Tetay TV, at sa lahat ng mga ka-Tandem na walang sawa sa supporta ng Donekla channel, at sa mga nakaalala sa birthday ko. I love you all.

“To God be the Glory. Praise God at salamat sa mga biyaya at sa panibagong taong pinagkaloob mo sa akin. Happy birthday to me,” pahayag ni Tekla.

Samantala, siniguro naman nina Donita at Tekla na sinunod nila ang lahat ng health protocols sa kanilang selebrasyon kabilang na ang pagpapa-swab test ng lahat ng dumalo sa party.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending