Ara naiyak nang lumuhod sa harap niya ang BF sabay tanong ng: 'Will you marry me?'

Ara naiyak nang lumuhod sa harap niya ang BF sabay tanong ng: ‘Will you marry me?’

Ervin Santiago |January 13,2021
share this

Ara naiyak nang lumuhod sa harap niya ang BF sabay tanong ng: ‘Will you marry me?’

Ervin Santiago | January 13,2021 - 09:07 AM

NAPAIYAK si Ara Mina nang finally ay mag-propose na sa kanya ang boyfriend na si Dave Almarinez.

Yes, engaged na nga ang negosyanteng aktres kay Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez base sa mga litratong naka-post sa Instagram account ng Nice Print Photo.

Makikita sa mga IG photo ang ilang eksena sa pagpo-propose ni Dave na ginanap sa isang lugar na tila garden sa San Pedro, Laguna kung saan nagsilbi noon bilang board member ang fiancé ni Ara.

Sa isang litrato makikita ang newly-engaged couple na nakatayo sa paligid ng mga bulaklak at halaman kung saan may nakasulat sa background na nga salitang “WILL YOU MARRY ME?”

May caption itong, “And it’s official! (ring) @therealaramina is now engaged!

“Congratulations Dave and Ara! Sooooo happy to be part of this beautiful moment (heart emoji) #SheSaidYes.”

May ipinost ding litrato ang photography company na namahala sa pagkuha ng mga eksena sa naganap na engagement nang pagluhod ni Dave sa harapan ni Ara hawak ang ibinigay niyang singsing sa aktres.

Makikita naman sa isa pang picture si Ara na umiiyak habang isinusuot ni Dave sa daliri niya ang engagement ring. May caption itong, “They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almarinez (four ring emojis) This most beautiful moment, priceless.”

Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati para sa engaged couple mula sa kanilang mga tagasuporta. Isa sa mga nag-congratulate kay Ara ay ang kanyang kaibigan at dating co-star sa seryeng “Araw Gabi” na si Barbie Imperial.

Comment ni Barbie, “My ate is now engaged! congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world. I am so so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you.”

Samantala, bago pa bumandera ang engagement ng dalawa, ibinalita na ni Ara sa guesting niya sa “Magandang Buhay” na naipakilala na niya si Dave sa kanyang pamilya.

“Kasi one time, birthday ba yun ng kapatid ko? Ini-invite ko naman siya. Naipakilala ko na rin sa mga kapatid ko, sa parents ko.

“Basta nasa stage kami na nagkakaintindihan naman kami. Sa age namin ngayon, parang hindi na yung ligawan blues. Basta pag sinabi kong ready na ako, committed na talaga ako.

“Kung tatanungin n’yo ako, parang feeling ko, ako lang yung hinihintay niya kung talagang magko-commit ako. Kasi sa nakikita ko nga, kapag sinabi ko, sige ready na ako, parang lalagay na ako sa tahimik,” sagot ni Ara nang matanong tungkol sa kasalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending