Matteo, Kim pinatunayang walang ‘shortcut’ para magtagumpay sa showbiz
PAGKALIPAS nang apat na taon ay muling ibinalik ng Viva Entertainment sa TV5 ang reality singing competition na “Born To Be A Star” kung saan nagsimula ang karera ni Janine Teñoso na OST Princess na ngayon sa mga pelikula ng Viva Films.
Sina Kim Molina at Matteo Guidicelli ang hosts ng show na dating judges sa “Masked Singer Pilipinas” na nagtapos noong Disyembre. Magsisilbi namang Star Judges sina Teacher Georcelle, Janine, Katrina Velarde, Sam Concepcion at Andrew E.
Ang grand champion ay tatanggap ng isang milyong piso, recording at management contract mula sa Viva.
Sa katatapos na zoom mediacon ng “Born To Be A Star” ay natanong sina Matteo at Kim kung ano ang mahirap na pinagdaanan nila bago nila narating ang kinalalagyan nila ngayon.
Ayon kay Matteo, “No shortcut of success and I always believe there’s no shortcut in the greatest success. In the industry, some people, the outsiders always think it’s all glamorous, it’s all great etcetera, but there’s so many things that people don’t see, especially those who worked so hard to be what they are today.
“Showbiz is a rollercoaster, it’s not always up and a lot of downs. For me, I was very, very blessed with a group of people around me who are very supportive of me. It’s very challenging and it’s important to have great support group from friends, family to keep moving forward, never stop believing in dreams and achieving your goals.”
Sabi naman ni Kim, “Ako po same rin na wala rin pong shortcut at maraming pinagdaanan. I think the hardest part for you to achieve your dream is within you because kung sa sarili mo ay susuko ka na, wala kang mararating.”
Sa tanong kung ano ang naituro ng kasikatan sa mga artistang sikat o sumikat na through the years, unang sumagot si Andrew E bilang beterano sa kapwa niya Star Agents.
“Let me put it in one line, ‘the day I happened to taste fame is the day I accepted that it’s already gone para mas madali sa akin.’ You know, fame is not like a bag of coins, group of coins na I put it in my pocket and it will stay forever, hindi ganu’n ang fame, eh.
“Even before I entered showbiz, I already knew from others, from people inside, from what I watch sa TV, sa movie.
It could be friend, best friend or it could be your worst enemy and end of the line, could be tipong you could be happy mesmerizing with your fame, you could be crying in one corner saying it’s all gone.
“So, the moment you achieved it, tell yourself, ‘this is what I did, probably 30 years ago.’ Tell yourself the day you have it, it’s the day I lost it so it would be easier for you to accept it kung mawala man o hindi,” paliwanag ng rapper-comedian.
Totoo naman talaga na hindi overnight ang kasikatan pero naniniwala kami sa suwerte dahil may mga biglang sikat na hindi naman nakatikim ng sobrang hirap dahil may mga talento sila na hindi kaagad nakita.
At ang mga biglang sikat na ito ay madali ring nawala dahil hindi nila inalagaan ang suwerteng dumating sa kanila. Gayung ang mga dumaan sa hirap ang siyang nagtatagal dahil alam nila kung paano alagaan ito.
Anyway, mapapanood na ang “Born To Be A Star” sa TV5 ngayong Enero 30, 7 p.m. handog ng Viva Entertainment, Sari-Sari at Cignal.
* * *
Tuluyan nang nag-impake ng kanyang mga kagamitan ang housemate na si Mika Pajares bilang third evictee sa “PBB Connect” dahil sa mababa nitong score na 1.66% sa pinagsamang Kumu at text votes nitong Linggo ng gabi.
Nakaligtas naman sa eviction night ang kapwa nominees na sina Haira Palaguitto (14.79%), Kobie Brown (14.56%), at Crismar Menchavez (2.98%).
Panay naman ang pasasalamat ni Mika kay Kuya sa pagkakataong naging housemate siya.
“Thank you po talaga sa experience. Sobrang babaunin ko po ito lahat. Medyo mahirap lang po tanggapin pero kakayanin po. Lalaban po,” say ng Single Momshie-Kap ng Bataan.
Samantala, may bagong housemate naman na pumasok sa bahay ni Kuya na isa sa mga napili ng KUMUnity. Siya si Amanda Zamora, ang Unique-A Hija Darling ng San Juan at nag-iisang anak na babae ni San Juan City Mayor Francis Zamora.
Sabi ni Amanda kaya siya sumali sa “PBB” ay dahil marami siyang gustong mapatunayan, “Sumali po ako sa PBB para mapatunayan that I am more than just a model and a politician’s daughter. And that I can be more than what people expect me to be.”
Ano kaya ang reaksyon ng housemates sa pagpasok ni Amanda sa bahay ni Kuya? Subaybayan ang iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect”, 10 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.