Aktor pinagmumura si Ogie Diaz dahil sa blind item kay congressman | Bandera

Aktor pinagmumura si Ogie Diaz dahil sa blind item kay congressman

Reggee Bonoan - January 12, 2021 - 04:04 PM

HINDI kami sinagot ng kilalang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz kung anong online show ang nag-alok sa kanya bilang segment host ng mga blind item.

Parang hindi naman na niya kailangan maging segment host dahil sa YouTube channel niya at Facebook Live ay umaabot na ng milyones ang views.

Sabi nga niya ayaw na niya nang may kaaway dahil sa kaka-blind niya noong may show siya sa ABS-CBN kaya tinanggihan niya ang alok.

Pero natuwa at nagpasalamat si Ogie sa offer. Nagbalik-tanaw siya sa naging karanasan niya noong nagba-blind item siya sa shows niya sa ABS-CBN.

“Katuwa naman. May nag-alok sa akin ng isang online show. Hindi naman ako ang main host, kundi segment host.

“Bibigyan nila ako ng 10 minutes na segment kung saan magba-blind item daw ako with banter with the main hosts.

“For 7 years, ginawa ko ito sa morning show sa ABS-CBN. Mula Magandang Umaga, Bayan, hanggang sa naging Magandang Umaga, Pilipinas, hanggang sa “

Umagang Kay Ganda.

“Ilambeses na rin akong napaaway. Nagtampo na rin ang ilang artista sa akin. Na sa tuwing magkikita ay parang wala silang nakikitang Ogie na nakasalubong nila. Ayoko na ng ganong feeling. Lalo na at matanda na ako.

“Ramdam kong hindi na bagay sa akin yung mag-blind item. Paminsan-minsan na lang basta hindi delikado sa youtube channel kong Ogie Diaz Showbiz Update.

“Ayokong dumating ‘yung time na matulad sa isang manunulat na namatay (na naawa ako) kasi iilan lang ang dumalaw sa burol nito, dahil ang rason ng mga kaibigan, puro hatred, kanegahan at laging pagmamarunong ang pinaiiral ng kanyang panulat, at yun ang iniwan nitong marka sa industriya.

“Kaya na-realize ko, mas magandang habang nabubuhay, gawa ka ng maraming kabutihan kahit hindi ka naman masyadong perfect. Habang nagkakaedad na rin.

“Kaya marespeto kong tinanggihan ang alok sa akin na show online. Teka, naalala ko bigla nung mga early 2000, pagkatapos ng blind item segment ko nu’ng umagang yon, maya-maya, nagri-ring ang celfone ko.

“Yung isang aktor, kausap ko. ‘Put***ng i*a mo, ako ba yung tinutukoy mo na binigyan ng congressman ng kotse?’ Ha? Paano mo namang nasabing ikaw yon?”

“’Tang i*a mo, ako lahat yung tinutukoy ng mga clue mo, g*g* ka! Andaming nagtatawagan sa akin, ako daw yung binlaynd item mo.

“‘Teka, tanong ko sa yo. Me congressman bang nakapagbigay na sa yo ng kotse?’ ‘Wala, put***   i*a mo ka!’

“O, wala pala eh. Eh di hindi ikaw yung tinutukoy ko. Kawawa naman yung may-ari talaga ng blind item kung aakuin mong ikaw yon.’

“Siguraduhin mong hindi ako yon, ha?”

“Sigurado ngang hindi ikaw yon kung wala namang congressman talaga na nagbigay sa yo ng kotse.”

“O, wag na kayo manghingi ng clue, ha? Naikwento ko lang po ito. Baka naman si congressman ang mag-react at sabihing, ‘Me kakambal pala siya?'” huling hirit pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending