Bawal maging choosy sa bakuna? Mga senador pumalag kay Roque | Bandera

Bawal maging choosy sa bakuna? Mga senador pumalag kay Roque

Mimi Torres - January 12, 2021 - 02:24 PM

Reuters

Umalma ang ilang  senador  sa naging  pahayag  ng Palasyo na hindi dapat mamili  ang  taumbayan  kung anong klaseng bakuna laban sa  Covid-19 ang maaring iturok sa kanila.

“Sabi ni Sec. Roque, hindi pwede maging choosy. Pero sabi niya rin na si Presidente mismo ay namimili pa between Russian and Chinese vaccines. Kung si Presidente pwedeng mamili, dapat ang taumbayan ay malaya ding makakapili at kalusugan nila iyan,” ani Senator  Risa  Hontiveros sa isang pahayag ngayong Martes.

“Klaro sa mga survey na may agam-agam ang publiko sa kaligtasan ng bakuna, pero parang ang mensahe mula sa Palasyo ay ‘conform or get COVID’. Dehado ang mga Pilipino sa galawan na yan,” dagdag ng senador.

Nauna dito, sinabi ng tagapagsalita ng Palasyo na si Secretary  Harry Roque  na hindi dapat maging ‘pihikan’ ang mga   tao sa  pagpili ng  gagamiting  bakuna sa kanila.

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” ani Roque.

Maging si Senator Panfilo Lacson ay pumalag sa naging pahayag na  ito ng Palasyo.

Hindi aniya patas na sabihing hindi dapat mamili  ang mga  Pilipino kung ano bakuna ang ibibigay sa kanila ng gobyerno.

“Masama na nga na ang gobyerno ang mistulang may kontrol kung anong bakuna ang bibilhin. Pati ba naman ang pagpili kung ano ituturok sa braso ng mga Pilipino, hindi pa rin pwede mamili ang Pilipino?”  ani Lacson sa isang hiwalay na pahayag.

“Bakit ko naman pipiliin ang brand na 50% lang ang efficacy at wala man lang application for Emergency Use Authorization (EUA) kumpara sa ibang brand na  79% o 95% ang efficacy at  naghihintay na lang  ng EUA approval mula sa Food and Drug Administration?”

Umaasa na lang si Lacson na maayos pa ring maipapatupad ng gobyerno ang mga  planong  inilahad  nito sa ginawang pagdinig  ng Senado nitong Lunes.

Walang silbi  aniya  ang magagandang plano kung hindi naman ito maisasagawa ng maayos.

Sa gitna ng nasabing pagdinig, inihayag din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagtutol  sa sinabi ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I don’t like the idea—with all due respect to Sec. Roque, who just came out in the news today—Sec. Roque said you can’t choose what vaccine to take. Sabi niya, we cannot daw choose what vaccine to take. I think that’s not a fair assessment,” ani Zubiri.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending