Matapos ang madugong pagsalakay sa Capitol Hill sa Washington dulot na rin ng tuloy-tuloy na pag-uudyok ni President Donald Trump sa kanyang mga tagasuporta, nagdesisyon ang social media giants na sipain na ang pangulo ng America na ayaw bumitiw sa pwesto.
Habambuhay nang hindi makakagamit si Trump ng kanyang paboritong Twitter, habang inanunsyo naman ng Facebook at Instagram ang “indefinite” na suspensiyon nito. Ayon sa mga Big Tech, ang maaanghang at walang basehang posts ni Trump na siya ay dinaya sa eleksyon ay lumilikha ng gulo at karahasan sa bansa.
At simula kahapon, kumakalat naman sa Twitter ang balita ng pag-ban ng mature site na PornHub kay Trump.
“Breaking News: Trump has been banned from PornHub for not meeting their character requirements,” ang pagbabalita ni Pim Barnett sa Twitter.
Isang mamamahayag na nakabase sa Mindanao ang nag-post sa Facebook: “PORNHUB banned Trump from its platform for life!!”
“Hahaha that will really put him to edge,” sagot ng isa sa post.
At patol ng isa ring mamamahayag: “…citing that his senile rhetorics trigger riotous orgasm, self-centered ejaculation and government’s erectile dysfunction.”
Dahil dito, nanawagan si Manoj Tiwari na “i-boycott” ang PornHub. “I feel sorry for Trump cha-cha. Let’s boycott @Pornhub.”
Sa reply naman ng netizen na si Trixie sa post ng CNN tungkol sa pag-ban kay Trump sa Twitter at Facebook: “The big question is, when will @Pornhub release their official statement banning Trump?”
Teka, ma-check nga ang PornHub kung may pahayag na nga ito tungkol sa isyu.
Sinuyod ng Bandera ang opisyal na Twitter ng PornHub pero wala ang post na diumano’y nag-aanunsyo ng opisyal na pag-ban kay Trump sa sikat na porn site.
Sa fact checking na ginawa ng International Business Times, sinabi nito na “fake news” ang tweet tungkol sa PornHub.
Mukhang ipinakalat lamang ito ng mga taong gustong magpatawa, manloko o kaya naman ay magpahayag ng pagkadismaya kay Trump sa pamamagitan ng satire.
Samantala, mapapanood pa rin sa PornHub ang mga sex videos na may temang political parody patungkol kay Trump.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.