Baguhang aktor na kasama ni Christine sa TikTok video nagsalita na; pinayuhang magdemanda | Bandera

Baguhang aktor na kasama ni Christine sa TikTok video nagsalita na; pinayuhang magdemanda

Ervin Santiago - January 07, 2021 - 09:13 AM

ISANG kaibigang aktor ng pinaslang na flight attendant na si Christine Dacera ang nagrereklamo ngayon dahil pati siya ay nadadamay na rin sa kaso.

Naglabas na ng kanyang saloobin si Ali King, na napanood sa BL o Boy’s Love series na “Boys Lockdown”, tungkol sa issue at kinastigo ang mga netizens na nangdadawit sa pangalan niya sa kontrobersyal na rape-slay case.

Wala ang pangalan ni Ali sa listahan ng 11 suspek na sinasabing sangkot umano sa pagpatay at panggagahasa kay Christine pero may mga netizens na tumatawag ng “rapist” sa baguhang aktor.

Ito’y dahil lamang sa isang video na naka-post sa TikTok account ng young actor noong Nov. 30, 2020, kung saan makikita nga sila ni Christine na nagsasayaw kasama ang isa pa nilang kaibigan.

Nang mabasa na ni Ali ang mga malilisyosong komento sa social media agad siyang nag-post sa Twitter para linisin ang kanyang pangalan at matigil na ang pagbanggit sa pangalan niya sa nasabing kaso.

“Got these comments on Tiktok just because I’m friends with Tin Dacera and appeared in old TikTok videos with her. I love her and I was heartbroken to learn of her death,” simulang paliwanag ng binata.

Dagdag pa niyang tweet, “I was at home for the New Year and was nowhere near the hotel where she died yet people still managed to say these things to me.

“I hope we learn how to be responsible with what we say online and to educate ourselves first before making conclusions. #JusticeForChristineDacera,” lahad pa niya.

Maraming followers si Ali sa social media ang nagpayo sa aktor na ireklamo at kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa kanya para maturuan din ng leksyon ang mga ito.

Base sa ulat, natagpuan ang katawan ni Christine sa isang kwarto sa City Garden Hotel in Makati City nitong Jan. 1. Itinakbo pa siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival “due to ruptured aortic aneurysm.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Makati Police hinggil sa kaso. Kahapon, tatlo sa mga inarestong suspek ay pinakawalan din ng mga pulis dahil wala pang sapat na ebidensya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending