Hula kay Alden: Magiging makulay ang lovelife sa 2021, sino ang maswerteng babae? | Bandera

Hula kay Alden: Magiging makulay ang lovelife sa 2021, sino ang maswerteng babae?

Ervin Santiago |January 06,2021
facebook
share this

Hula kay Alden: Magiging makulay ang lovelife sa 2021, sino ang maswerteng babae?

Ervin Santiago - January 06, 2021 - 10:33 AM

MARAMI pang gustong ma-achieve ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ngayong 2021 sa kanyang career.

Isa na nga riyan ang pagsabak sa international acting roles. Umaasa at ipinagdarasal ng Kapuso Drama Prince na mabigyan siya ng chance na makagawa ng proyekto sa ibang bansa.

Ayon kay Alden, kabilang sa mga plano niya this year ang makakuha ng projects abroad, “Isa ‘yon sa mga top priorities for next year. Para something new rin. Para level up din ‘yung trabaho natin.”

Magiging busy ang 2021 para sa Pambansang Bae dahil may mga nakalinya na agad siyang teleserye, pelikula at TV show.

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang New Year’s resolution, simple lang at diretsahan ang naging sagot ng Kapuso heartthrob.

“Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s resolution ko talaga is really not to make any para walang pressure.

“It’s just about self-recreation and being a better version of you than last year. Move forward lang and be better with your decisions,” sagot ng binata.

Nagdiwang si Alden ng ika-29 niyang kaarawan noong Jan. 2 at bagama’t intimate lang ang kanilang naging selebrasyon, puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

Samantala, base sa hula, magiging makulay at exciting daw ang lovelife ni Alden this year.

Sa panayam ng “Unang Hirit” sa feng shui consultant at clairvoyant na si Maricel Gaskell, sinabi nitong may naghihintay na “colorful lovelife” para sa binata ngayong Year of the Metal Ox.

Aniya, taglay daw kasi ni Alden ang sense of humor na malakas maka-attract sa mga babae. Isa raw ito sa mga katangian ng aktor na magugustuhan ng babaeng magiging partner niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya wait na lang tayo kung sino ang maswerteng girl na magiging karelasyon ng Box-Office King ngayong 2021. Artista rin kaya ito o non-showbiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending