Go, go, go, Zoey! Wag ka nang malulungkot uli sa buhok mo ha!
MULING ibinandera ng broadcast journalist-TV host na si Anthony Taberna ang katapangan at katatagan ng panganay niyang anak na si Zoey.
Super proud ding ibinahagi ni Ka Tunying sa madlang pipol kung paano nila hinaharap ngayon ng kanyang pamilya ang lahat ng pagsubok na ibinibigay sa kanila.
Sunud-sunod ang dumating na challenges sa buhay nina Anthony nitong nagdaang taon. Bukod sa pagkakasakit ng leukemia ni Zoey, nagsara ang ABS-CBN at ninakawan pa ng isang pinagkakatiwalaang empleyado ang kanilang restaurant business.
Nitong nagdaang Linggo, nag-post si Ka Tunying ng mga family photo sa Instagram na kuha sa New Year’s family reunion nila na ginanap sa Subic, Zambales.
Sa caption na isinulat niya sa IG, ibinalita niyang unti-unti nang tumutubo ang buhok ni Zoey na ipinakalbo nito noong Dec. 2, 2020 para sa ilang medical procedure na ginagawa sa kanya.
“Walang bonnet. Walang hair extension. Walang wig. Ito na ang totoong buhok ni Zoey.
“Medyo mabagal tumubo pero magandang umpisa ng Bagong Taon.
“Go go go Zoey!!! Wag ka na malulungkot ulit sa buhok mo ha? We are Familia Taberna and we’re #TeamStrong! #AzasiaZoey,” mensahe ni Ka Tunying.
Na-diagnose si Zoey na may leukemia noong December, 2019 at talagang nakipaglaban sa kanyang sakit sa tulong na rin ng kanyang pamilya.
Matapang din niyang ibinahagi ang kanyang journey sa social media kung saan inamin ni Zoey na totoong inatake siya ng matinding insecurity nang siya’y magpakalbo.
“I needed to chop off all my hair. And that made me very insecure and sad all the time. I really thought my life would already end there. But no. I stayed strong and did my best,” bahagi ng naging pahayag ni Zoey sa isa niyang post.
Samanatala, para naman sa misis ni Ka Tunying na si Rossel Taberna, naging matindi man ang pinagdaanan nila noong 2020, nananatili pa ring matatag ang kanilang pamilya at patuloy na lalaban ngayong 2021.
Post ni Rossel sa kanyang Instagram page, “Memoirs of a HAPPY NEW YEAR. First and last outing with the whole family for 2020.
“Thank you God for giving us this time of the year to be with the most important people in our lives,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.