DJ Loonyo sa fans nila ni Ivana: Walang kame, walang nagpaasa...at never ko kayong ginamit | Bandera

DJ Loonyo sa fans nila ni Ivana: Walang kame, walang nagpaasa…at never ko kayong ginamit

Ervin Santiago - January 04, 2021 - 07:53 PM

NAGING isa sa top trending topic sa Twitter ngayong araw ang hashtag “#DJLoonyoAttitudeProblem” kasabay ng muling panawagan ng mga netizens na iboykot na ang sikat na dancer-vlogger.

Nagsimulang maging hot topic sa social media si DJ Loonyo nang kumalat ang isang tweet na umano’y galing sa kanya at patungkol sa mga fans nila ni Ivana Alawi.

“Wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo,” ang sabi raw ng DJ-vlogger na hindi nga nagustuhan ng mga tagasuporta ni Ivana na botong-boto pa naman sa kanya para sa sexy actress.

Agad namang nilinaw ni DJ Loonyo na hindi siya sa kanya galing ang nasabing pahayag. Aniya, hinding-hindi raw niya masasabi ang mga ganitong kataga lalo na sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Tweet ni DJ Loonyo, “NEVER AT WALANG CHANCE NA LALABAS SA BIBIG, UTAK AT PUSO KO ANG MGA KATAGANG TO.

“BE CAREFUL. BASHERS ARE MANIPULATING OTHER PEOPLE TO HATE AND SPREAD FALSE ACCUSATIONS. THERE’S MORE INTO LIFE THAN THIS.
CRUEL WORLD… LIGHT WILL PREVAIL.

“GUYS, ALL LIGHT AND LOVE. AGAIN, MAHAL KO KAYO. FOCUS NA TAYO SA PLANS PARA SA TAONG TO. NAKAPAGSULAT NA AKO NG MARAMING MARAMI.
TARA!!! TO GOD BE ALL THE GLORY
#DJLoonyoLabLab,” sabi pa ng dancer.

Sinundan pa ito ng mensahe para sa fans nila ni Ivana, “MARAMING SALAMAT LOOVANA. Uulitin ko, MAHAL KO KAYO AT NAIINTINDIHAN KO KAYO.

“Nawa’y magkaroon tayo ng katahimikan at ilaw. MAY GOD BLESS US ALL. PATULOY SA PANGARAP AT MINIMITHING TAGUMPAY SA BUHAY.”

May isa naman siyang tweet kung saan nagpaliwanag siya tungkol sa tunay na relasyon nila ni Ivana kasabay ng pagsagot niya sa ilang bashers.

Aniya, “Ui, pehebel. Mabulaklak na salita, paasa, and all na binabato, Sige nga, Resibo after nung kumu live naming dalawa or statement ko sa kumu na siguro dun nalinaw naman na ‘walang kame’ at hanggang pagkakaibigan nalang, tapos kay tim yap. San ako nagpaasa?

Dagdag pa niya, “Again, 3 times, tatlong beses ako nag-clear out and nagbigay ng statement. It’s more than enough. God bless us all and all the best for 2021.

“Ang gamitan issue? Never ko kayo ginamit, kayo po ang sumuporta at sinuklian ko ng talento at pagmamahal, pagkilala, niyakap kahit grabeng pambabasag ginagawa sa inyo. Pagmamahal na lang, walang bubong yun.”

“Mga kapatid, ayoko kayo basagin and all, naglalabas lang ako ng katotohanan.

“Statement for my lovelife? Ma’am, with all due respect, Talento at inspirasyon po inalay ko sa mundo, hindi landi at pribadong buhay ko.

“Again naiintindihan ko mga nararamdaman niyo, sobra Kaya positive vibes lang to na explanation, words of wisdom po, para sa buhay po yun. Mga pinaniwalaan kong nagdala sakin sa puntong to. Di po sa specific sector ng buhay or love life kung tawagin,” sabi pa ng DJ.

Marami rin namang netizens ang nagtanggol sa kanya at nangakong tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng suporta kahit ano pa ang maging desisyon niya sa kanyang career.

Samantala, balitang in-unfollow na rin ni Ivana si DJ Loonyo sa Twitter kaya naman mas lalo pang nag-init ang kanyang supporters sa pambabatikos sa kontrobersyal na dancer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang makahulugang tweet naman ang ipinost niya patungkol sa pagiging “humble” at “grateful.” Sabi ng dalaga, “I will always remain humble because I know I could have less. I will always be grateful because I know I’ve had less. A Beautiful 2021 for all of us. Love you guys!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending