Ellen trending sa Twitter dahil sa 'no filter' love advice: Para kang asong nakaabang, wala kang life? | Bandera

Ellen trending sa Twitter dahil sa ‘no filter’ love advice: Para kang asong nakaabang, wala kang life?

Ervin Santiago - January 03, 2021 - 08:45 PM

NAGING top trending topic si Ellen Adarna sa Twitter matapos sagutin ang mga tanong ng netizens na may konek sa pakikipagrelasyon.

“No filter” at diretsahan ang mga naging reply ng dating sexy star sa mga question na ipinost ng kanyang followers sa Instagram Story.

Nagkaroon uli ng pa-Q&A si Ellen sa Instagram kung saan karamihan nga sa mga tanong ay may kinalaman sa pakikipag-date at mga karaniwang issue ng magdyowa.

Sumagot ang ex-partner ni John Lloyd Cruz sa Bisaya pero may mga nag-translate naman nito sa Tagalog para mas marami ang makaintindi at maka-relate. Isa na nga riyan ang Twitter user na may username na @Tumcialalalala.

Isa sa mga tanong kay Ellen ay, “Okay lang ba pakialaman ko ang cellphone ng aking karelasyon?”

Sagot sa kanya ng celebrity mom, “Yang mga ganyan ‘Day, para lang yan sa mga pangit ang mukha. Sa mga insecure, sa mga praning. Hindi ko pa yan naranasan. Never.”

Nag-post naman ang TV writer na si Noreen Capili ng compilation ng Q&A video ni Ellen patungkol sa dating advice. At tanong niya, “Question: What if ang tagal niya mag reply. Sign ba yun na hindi siya interested?”

“Kung naghihintay ka lang ng reply, para kang asong nakaabang — Wala kang life? Ako, di rin ako magri reply sa taong walang life,” ang sagot ni Ellen na translated na sa Tagalog.

Sumunod pang tanong, “What to do if my ex keeps messaging me even if ayoko na sa kanya.”

Na sinagot naman ng dating sexy actress ng, “O di ba, ang ganda mo. Ang ganda mo pero di ka nag-iisip… Di mo na isip na i-block siya? Ano ba yang cellphone mo, analog?”

Hirit namang tanong ng isa niyang IG follower, “What should I do? We’ve been flirting (Iring-cat) for 5 months now but there’s still no improvement?”

“Be straightforward. Maybe he’s just shy. Tell him you’re tired of being a cat (flirting). And would prefer to do doggie style instead,” diretsahang sey pa ni Ellen.

At ito pa, “Both of us were drunk. And he told me he likes me but he’s not doing anything to reach out.” Na sinagot ni Ellen ng, “Girl, that means, he only thinks you’re pretty when he’s drunk. Get him drunk again.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending