Pagtaas ng allowance ng mga guro para sa distance learning, pinasalamatan ng DepEd
Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang pagtataas ng allowances ng mga guro sa inaprubahang badyet ng bansa sa 2021.
“We would like to thank the President, our senators and representatives for backing our request to increase teachers’ allowance. This is timely support for the education sector and to our teachers in these difficult times,” ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Sa General Appropriations Act for 2021 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, inaprubahan ang panukala ng DepEd na itaas ang teaching supplies at communication allowances ng mga guro sa P5,000 mula sa P3,500.
Kaugnay na rin ito sa pangangailangan ng umiiral na distance learning sa bansa dahil sa pandemya.
“With this positive development, we believe that our lawmakers will continue to support our initiatives for the welfare of our teachers and learners and the improvement of education in the country,” wika pa ni Briones.
Samantala, ang pagbibigay ng transportation at teaching aid allowances sa ilalim ng DepEd OSEC, Special Provision No. 21, “Alternative Learning System,” Volume I A, page 195, ay ipapatupad alinsunod sa panuntunan na ipinalabas ng DepEd at iba pang kaugnay na ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.