Dianne Medina sinupalpal mga laiterang netizen: Hintayin n'yo na lang kung pwede ko na ibalik katawan ko | Bandera

Dianne Medina sinupalpal mga laiterang netizen: Hintayin n’yo na lang kung pwede ko na ibalik katawan ko

Ervin Santiago |January 01,2021
facebook
share this

Dianne Medina sinupalpal mga laiterang netizen: Hintayin n’yo na lang kung pwede ko na ibalik katawan ko

Ervin Santiago - January 01, 2021 - 12:15 PM

INUNAHAN na ng actress-host na si Dianne Medina ang mga laitera sa social media nang mag-post siya ng bagong TikTok dance video.

Isa si Dianne sa mga celebrities na regular na nagpo-post sa socmed ng mga litrato at video, kabilang na nga ang TikTok paandar nila ng asawang si Rodjun Cruz.

Bukod pa riyan ang mga updates na ibinabahagi niya sa kanilang fans and followers tungkol sa panganay nilang anak na si Baby Joaquin.

Pero tulad nga ng inaasahan ni Dianne, kung may mga naaaliw sa mga ipino-post nila ni Rodjun, may mga nang-ookray din sa kanila tulad na lang ng mga pumupuna sa itsura at katawan niya ngayon.

Sa isang Instagram video nga na ipinost niya bago mag-Bagong Taon kung saan muli silang humataw ni Rodjun with the latest TikTok dance trend, nakiusap si Dianne sa mga netizens na huwag nang punahin ang kanyang katawan.

“Please don’t comment anything about my Post Pregnancy Body.

“I cannot diet because I am exclusively breastfeeding my son, @babyjoaquinilustre. Hihina milk supply ko.

“Antayin niyo na lang if pwede ko na ibalik katawan ko. Okay?

“Inunahan ko na kayo kasi dami nyo tanong. Thank you,” ang caption ng aktres sa kanyang post.

Nauna rito, nag-share rin siya ng litrato sa IG ng kanyang OOTD nang maging celebrity contestant sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga”. Aniya, talagang nagsuot pa siya ng c-section binder nu’ng araw na yun.

“Eat Bulaga Guesting. I had to wear my c- section binder since I am not really confident yet of my Post Pregnancy Body. Thank you Eat Bulaga I had so much fun,” sey ni Dianne sa caption.

Ilang linggo lang ang nakararaan, ilang body shamer din ang diretsahang nagsabi sa kanya ng “mataba”, “bilog na bilog”, at “madyubis”. May mga nagtanggol kay Dianne mula sa bashers at ipinaliwanag kung bakit nadagdagan ang kanyang timbang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman ang misis ni Rodjun kasabay ng mensahe sa mga nang-okray sa itsura niya, “Thank you haaay. nakakalungkot na hindi nila maintindihan na this is a post pregnancy body and it’s hard to lose weight in an instant since I’m also breastfeeding grabe noh.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending