Lea Salonga muling tutulong sa mga naapektuhan ng pandemya | Bandera

Lea Salonga muling tutulong sa mga naapektuhan ng pandemya

Armin P. Adina - December 30, 2020 - 03:50 PM

Mula sa Facebook page ni Lea Salonga

Makaraang buksan ang Disyembre sa magandang balita ng pagpasok ng album niyang “Live in Concert with the Sydney Symphony Orchestra” sa Billboard Crossover Classical Albums chart sa ikapitong puwesto, tatapusin naman ng Pilipinang Broadway star na si Lea Salonga ang taon sa pamamagitan ng isang pasiklab.

Pangungunahan ni Salonga ang New Year Countdown concert ng The Manila Hotel sa Dis. 31, na naglalayong maghatid ng tulong sa mga manggagawa sa Lungsod ng Maynila na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nauna na siyang naghatid ng tulong para sa mga naapektuhan ng pandaigdigang krisis pangkalausugan nang ihandog niya ang kinita ng awitin niyang “Dream Again,” na tungkol sa patuloy na paghabol sa pangarap kapag natapos na ang pandemyang. Kolaborasyon niya ito kasama ang mga kompositor na sina Blair Bodine at Daniel Edmonds, at nilunsad noong Agosto.

Nakipagtulungan si Salonga sa mga organisasyong naghahatid ng tulong sa mga tinamaan ng pandemya sa buong mundo.

Para sa konsiyerto sa Dis. 31, sasamahan si Salonga nina pop diva Kuh Ledesma, world-renowned soprano Rachelle Gerodias, Korean baritone Byeong-In Park, Richard Reynoso, at UP Concert Chorus.

Ngunit dahil sa mga pagbabawal sa mass gathering bunsod ng pandemya, magiging virtual ang pagtatanghal ng konsyerto ngayong taon, at mapapanood sa pamamagitan ng Zoom online conference platform. Para sa mga detalye kung paano makakakapanood at makakatulong, hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa hotel, o pumunta sa mga social media account nito.

Magpapa-raffle din ang hotel ng overnight stay sa tanyag na MacArthur Suite, na nagkakahalagang P500,000.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending