10 pelikulang kasali sa MMFF 2020 kumita lang ng P11-M sa loob ng 3 araw | Bandera

10 pelikulang kasali sa MMFF 2020 kumita lang ng P11-M sa loob ng 3 araw

Reggee Bonoan - December 29, 2020 - 04:00 PM

NAKALULUNGKOT na umabot lang sa P11 million ang gross ng 10 pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival 2020 sa ikatlong araw ng pagpapalabas nito.

Ibig sabihin, sobrang lugi ang producers na gumastos nang malaki sa mga pelikula nila kabilang na ang “Magikland” at “Mang Kepweng” na maraming special effects.

Pati na ang “Isa Pang Bahaghari” na maraming malalaking artista at may big scenes pa; “Tagpuan” na kinunan pa sa Hongkong at New York USA; at “The Missing” na kinunan sa Japan.

Bagama’t hindi kasingmahal ng mga nabanggit ang nagastos sa mga pelikulang “Fan Girl”, “The Boy Foretold by the Stars,” “Suarez: The Healing Priest”, “Coming Home” at “Pakboys” ay tiyak na mababawi naman nila ito kapag nabili na ang rights.

Anyway, mas lalo pang lumakas ang “Fan Girl” na nasa unang puwesto ngayon matapos itong manalo ng Best Picture, Best Actor, Best Actress, Best Director at iba pa.  Kalahati ng P11 million ang kita ng pelikula nina Paulo Avelino at Charlie Dizon.

Naghati-hati naman ang mga pelikulang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” (ikalawang puwesto); “Boy Foretold by the Stars” (ikatlong puwesto); “Pakboys” (ikaapat); “The Missing” (ikalima); at “Magikland” (ikaanim) sa natirang kalahati ng P11 million.

Ang mga nabanggit na pelikula ay karamihang millennials ang target audience na may alam kung paano manood sa online through Upstream.ph

Hindi katulad ng senior citizens na mahihilig sa drama na hindi mga techie kaya for sure hindi nila napanood ang mga gusto nilang pelikula kaya mahina sa takilya.

Dapat talaga magbukas na ang mga sinehan para bumalik na ang sigla ng movie industry at nakaka-miss ang mga mahahabang pila tuwing MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending