2021 hugot ni Vice: Kahit gaano tayo kaganda kung hindi tayo malusog, chaka ka! | Bandera

2021 hugot ni Vice: Kahit gaano tayo kaganda kung hindi tayo malusog, chaka ka!

Ervin Santiago - December 29, 2020 - 01:57 PM

“MALUSOG at masaganang 2021!” Ito ang tanging dasal at hiling ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa pagpasok ng Bagong Taon.

Naniniwala ang TV host-comedian na sa panahong ito, ang pinakamahalaga pa rin ay ang kalusugan ng bawat isa lalo pa’t patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic at may bago pa ngang strain ng killer virus.

Ayon pa kay Vice, sa pagsapit ng 2021 huwag na munang mag-isip ng kung anu-anong problema at pansamantala ring iwasan ang panonood ng mga kanegahang palabas.

“New Year’s wish? Sana maging malusog tayong lahat. Makasigurong healthy tayong lahat. ‘Yon ang pinaka-importante.

“Kahit gaano tayo kaganda, kung hindi tayo malusog, chaka ka, hindi ba?” pahayag ng Kapamilya comedian sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Aniya pa, “Kahit gaano ka kagaling, kung may sakit ka, eh mahirap. Kailangan healthy tayo lahat.”

Magtatrabaho rin nang bonggang-bongga si Vice Ganda sa unang araw ng Bagong Taon dahil live na live silang magpapasaya sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

“Live ang Showtime kaya magkita-kita tayo ng January 1. Kailangan sabay-sabay tayong mag-ingay, tumawa, at masaya ng January 1. Huwag manonood ng ikalulungkot mo, dapat ang panonoorin mo ay ang ikasasaya mo,” chika pa ng komedyante.

Sa tanong naman kung saan sila magse-celebrate ng New Year ng kanyang boyfriend na si Ion Perez, ito ang tugon ni Vice, “Hindi naman puwedeng umalis ng Pilipinas. Dito lang sa Pilipinas with the very important people in our lives.”

Nitong nagdaang Pasko, kasama ring nagdiwang ni Vice si Ion at ang kanyang pamilya kabilang na ang pinakamamahal na ina at ilang malalapit na kaibigan na sa bahay na nila nakatira.

Ayon kay Vice, tahimik lang ang Christmas niya this year dahil wala nga siyang entry sa taunang Metro Manila Film Festival.

“Dec. 25, 2020. Walang MMFF first day kaba and ngarag. Walang cinema tours. Walang mall tours.

“Walang kaliwa’t kanan na texts and calls from VIVA and Star Cinema kung magkano na ang gross  every after screening hours.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tahimik lang. Kalmado lang. ibang iba. Kakamiss din,” mensahe ng komedyante sa kanyang Twitter page noong Pasko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending