Paulo inialay ang MMFF best actor award sa anak nila ni LJ; Charlie tinalo sina Nora, Iza at Sylvia | Bandera

Paulo inialay ang MMFF best actor award sa anak nila ni LJ; Charlie tinalo sina Nora, Iza at Sylvia

Ervin Santiago - December 28, 2020 - 09:31 AM

MUKHANG wala namang mga nagreklamo sa paghakot ng awards ng pelikulang “Fan Girl” sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2020 Gabi Ng Parangal kagabi.

Nagkakaisa ang madlang pipol sa pagsasabing deserving ang pagiging big winner ng entry ng Star Cinema at Black Sheep sa taunang filmfest na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Pak na pak din para sa mga nakapanood na ng “Fan Girl” at iba pang entries sa MMFF 2020 ang pagkapanalo ng lead stars nitong sina Paulo Avelino at Charlie Dizon bilang festival best actor at best actress.

May mga nagkomento pa nga na hindi raw talaga ang pagpapakita ng nota ni Paulo sa pelikula ang dahilan ng pagiging best actor niya kundi ang napakahusay na acting niya sa kabuuan ng movie.

Marami naman ang na-touch sa thank you message ni Paulo nang tanggapin na niya ang kanyang award at ialay sa anak nila ni LJ Reyes na si Aki.

“Pinapanalangin ko na umayos na ang lahat, kumapit lang tayo…. na giginhawa ulit ang pamumuhay natin. This is for you Aki,” bahagi ng mensahe ni Paulo.

Samantala, waging-wagi rin sa Gabi Ng Parangal ang baguhang young actress na si Charlie Dizon na siyang tumalo kina Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari), Sylvia Sanchez (Coming Home) at Iza Calzado (Tagpuan).

“Hindi ko alam kung makakagawa pa ako ng ganitong klaseng pelikula. Paulo thank you, siya yung naging partner ko dito at sinuportahan niya ako.

“Dati pinapangarap ko lang po maging artista at makatapak lang po dito, sana po proud sa akin ang mga magulang ko,” bahagi ng thank you speech ni Charlie.

Ang “Fan Girl” din ang nanalong Best Picture, Best Director at Best Screenplay para kay Antoinette Jadaone. Ito rin ang number one ngayon sa ticket sales ng UPSTREAM.ph.

Mensahe naman ng direktor, “Sana lagi nating isipin na palakihin natin ang mga kabataan sa mapagpalayang Pilipinas, na ang kabataan ng pag-asa ng bayan at tayong mga matatanda ang dapat nagbibigay sa kabataan nito sa Pilipinas ng dapat nilang hangaan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending