WATCH: Christmas message ng DSWD sumentro sa pagbangon ng mga Filipino sa mga nagdaang kalamidad | Bandera

WATCH: Christmas message ng DSWD sumentro sa pagbangon ng mga Filipino sa mga nagdaang kalamidad

facebook
share this

WATCH: Christmas message ng DSWD sumentro sa pagbangon ng mga Filipino sa mga nagdaang kalamidad

- December 25, 2020 - 11:30 PM

Maligayang Pasko mula sa DSWD!

Sa kabila ng mga pandemya, kalamidad, at iba pang mga pagsubok na nagpadilim sa ating pag-asa bilang isang bayan, narito pa rin tayo, patuloy na lumalaban at nangangarap ng isang mas magandang bukas.Kaya't ngayong Kapaskuhan, kaisa ng buong sambayanan ang Department of Social Welfare and Development sa panalangin na pagtamo ng inaasam na lunas sa COVID-19 at tuluyang pagbangon mula sa kahirapan ng ating mga kababayan.At sa bawat tahanan, hangad namin ang inyong masaya at ligtas na pagdiriwang. Muli, isang maligayang Pasko ang aming pagbati sa bawat Pamilyang Pilipino!#DSWDMayMalasakit#COVID19PH#LagingHanda #SamaSamaTayo Maagap at Mapagkalingang SerbisyoDSWD Field Office 1Dswd Region IIDSWD FO 3DSWD Region IV-ADSWD Region VDSWD Western VisayasDSWD Region VIIDSWD Eastern VisayasDSWD Region IXDSWD Region XDSWD Region XIDSWD XIIDSWD CaragaDSWD Field Office MimaropaDSWD CAR

Posted by Department of Social Welfare and Development on Wednesday, December 23, 2020

Sa Christmas message ng Department of Social Welfare and Development, binalikan ang mga kalamidad at pagsubok na pinagdaanan ng bansa ngayong 2020.

Ayon sa ahensya, sa kabila ng mga pandemya, kalamidad, at iba pang mga pagsubok na nagpadilim sa pag-asa ng maraming Filipino, patuloy pa rin ang paglaban at pangarap sa isang magandang bukas.

Ngayong Kapaskuhan, sinabi ng DSWD na kaisa ang ahensya sa panalangin na pagtamo ng inaasam na lunas sa COVID-19.

Dasal din ng ahensya ang tuluyang pagbangon mula sa kahirapan ng maraming mga kababayan.

Tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga mamamayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending