Miss Manila Alexandra Abdon tinawag na 'talangka', 'tolongges' ang mga basher | Bandera

Miss Manila Alexandra Abdon tinawag na ‘talangka’, ‘tolongges’ ang mga basher

Ervin Santiago - December 23, 2020 - 03:49 PM

HINDI pa man niya pinapasok nang bonggang-bongga ang mundo ng showbiz, nakakatikim na rin ng matinding pamba-bash si Miss Manila Alexandra Abdon.

Umingay ang pangalan ni Alexandra dahil sa mga nakaaaliw na paandar niya noong sumali sa Miss Universe Philippines 2020 na kahit hindi siya ang nanalo ay nagmarka agad sa madlang pipol.

At dahil nga rito, nagsunud-sunod ang guesting niya sa iba’t ibang TV show kaya mas lalo pa siyang sumikat.

Pero kakambal nga nito ang pang-ookray sa kanya dahil sa iba’t ibang issue na kinasangkutan niya nitong nakaraang linggo, kabilang na ang pangnenega sa kanya matapos ang “showdown” nila ni Herlene “Hipon” Budol sa “Wowowin: Tutok To Win.”

Nagalit ang mga manonood sa kanya nang ilang ulit niyang tinawag na “iskwater” si Herlene. Pero depensa ni Alexandra, “scripted” lang ang lahat ng ginawa nila ni Hipon.

Para hindi na maapektuhan ng pambu-bully sa kanya ng netizens, nag-deactivate muna ang beauty queen ng kanyang socmed accounts para magpalamig muna. At makalipas ang ilang araw, in-activate muli niya ang kanyang Instagram at Facebook.

Sa latest post ni Miss Manila, tinawag niyang “talangka” (mga taong nanghihila pababa ng kapwa)  at “tolongges” (manloloko) ang mga haters dahil sa pagta-tag sa kanya ng mga ito ng mga kanegahang artikulo at write ups tungkol sa kanya.

Sa kanyang Facebook account, inisa-isa ni Alexandra ang mga naganap sa kanya simula noong imbitahan siya ni Willie Revillame na mag-guest sa “Wowowin” kasabay ng pagtatanggol sa sarili.

“Ep. 1, tinawagan ako ni Kuya Wil live & so on, bombarded ang nofits ko,” ang simulang pahayag ng dalaga. Dito siya tinanong ni Willie tungkol sa umano’y panlalait niya kay Herlene nang magsama sila sa isang pictorial.

Pagpapatuloy pa niya, “Ep. 2, hindi ako nakapunta because (I explained already), lahat tina-tag ako sa article na pinagalitan ni Kuya Wil. Sabog na naman notifs ko.”

“Ep. 3, nagkita na kami ni Herlene sa Wowowin, lahat tina-tag at mine-mention ako sa comment section,” sey pa ng beauty queen. Sinundan namam ito ng panawagan ni Willie sa nakaraang episode ng kanyang show na huwag nang i-bash si Alexandra.

Ang ikinasasama lang ng loob ng dalaga ay walang nag-tag sa kanya ng pakiusap ng TV host-comedian, “Ep. 4, ayan sinabi ni Kuya Wil. Walang nag-tag sakin. Bakit?”

“Mga nobody na gusto isama ka kung nasaan sila. Mga bored na ‘Oo alam naming scripted.’ pero mas masarap kasing maging talangka.

“Tolongges gaming too strong.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako? Eto. Lowkey chill lang. Forever unbothered. Mananatiling kalmado.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending