Coney tinawag na ‘gems of GMA’ sina Rhian at Carla; Anthony may pa-concert para sa transit workers
“GEMS of GMA” kung tawagin ng award-winning veteran actress na si Coney Reyes ang mga co-stars niya sa seryeng “Love of My Life” na sina Carla Abellana at Rhian Ramos.
Nitong Thursday ay natapos na ang lock-in taping sa Tagaytay ng top-rating Kapuso drama series kaya naman excited na rin ang viewers na mapanood ang nalalapit na fresh episodes nito.
Isang sweet message naman sa Instagram ang inihandog ni Coney para sa mga Kapusp leading lady na sina Carla at Rhian.
Mensahe ni Coney, “Happy to be working for the first time in a TV drama with Carla Abellana and Rhian Ramos.
“These two young actresses exhibit excellent work ethics and display remarkable acting skills. I would say they are underrated.
“Through time, I know they will get even better and shine even brighter! Such gems of GMA,” papuri niya sa dalawang aktres.
Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng “Love of my Life” ngayong Dec. 28 na sa GMA Telebabad!
* * *
Bubuhayin ng Kapuso Pop Rocker na si Anthony Rosaldo ang diwa ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng virtual Christmas concert.
Layunin nitong tulungan ang “Para Kay Kuya” campaign na isang initiative para sa displaced transit workers sa bansa.
Ngayong gabi, Dec. 23, maki-jamming na sa “Sana Ngayong Pasko” kasama si Anthony pati na rin ang latest Kapuso actor na si Richard Yap, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista, The Lost Recipe star Mikee Quintos, Kapuso singer Khalil Ramos, at “The Clash Season 2” finalist na si Thea Astley.
Sa kanyang post sa social media, inimbitahan ni Anthony ang kanyang fans at mga netizens sa sama-samang dumalo at makiisa sa kanilang concert with a cause.
“Samahan n’yo po akong umawit at tumulong ngayong December 23, 9 p.m., sa aking virtual concert ‘Sana Ngayong Pasko,’ I hope you can share this post para po maraming hearts ang maabot at maka-help sa ating mga kababayang public transport workers na walang trabaho ngayong pandemic. Sharing is caring, ‘di ba po?” pahayag ng binata.
Mapapanood ito nang live sa kanyang official Facebook page na www.facebook.com/theanthonyrosaldo., 9 p.m. ngayong Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.